Sinalubong ni Jasmin ang tingin ng babae sa kanyang harapan. Deretso itong nakatingin sa kanya at pakiramdam niya ay inuuri nito ang bawat himaymay ng pagkatao niya. Paglabas niya kanina sa opisina ay bigla na lang huminto ang isang sasakyan at sinabing nais siyang makausap ng chairman. Wala siyang nagawa nang akayin na siya ng tauhan nito pasakay sa kotse at dinala nga siya sa mansion nito. "I won't beat around the bush, Ms. Nicolas," umpisa ni Ms. Laurel habang eleganteng nakaupo sa maganda nitong sofa na gawa sa mamahaling materyales. "You already know that Harry is supposed to marry Allyson." Napatingin siya sa babaeng nakaupo sa tabi ni Ms. Laurel. Nakatingin lang ito sa kanya ngunit wala itong ekspresyon. "Leave my son," matigas na utos ni Ms. Laurel na para bang among nag-uutos

