Gusto na lang isumpa ni Jasmin si Harry habang nagmamadali siyang tapusin ang mga dokumentong kailangan niyang tapusin ngayon bago ang team building nila bukas. Alas siyete na ng gabi ay naroon pa rin siya sa opisina dahil sa mga trabahong hindi niya maaaring iwanan. Well, malamang ay hindi lang naman siya ang ganoon ang sitwasyon ngunit hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng inis sa amo. Ilang araw siyang halos walang pahinga dahil sa pag-aasikaso ng event na iyon ng kanilang kompanya. At masaklap pa, dumagdag pa ang maraming gawain niya bilang assistang nito. Habang tumatagal siya roon ay padami na ng padami ang mga tasks na ipinapasa sa kanya ni sir Jason. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na pinagkakatiwalaan na siya nito o maiinis dahil sa totoo lang ay nakakapagod maging assi

