Harry Kanina pa siya nakatingin sa maliit na bahay na iyon ngunit hindi niya magawang kumatok. Malayo ang itsura niyon sa mansiyon na kanyang tinitirahan at sa bahay na kanyang kinalakihan sa Amerika. Niyuko niya ang hawak na papel kung saan nakasulat ang address na iyon. Ayon sa imbestigador na binayaran niya ay doon nakatira ang kanyang biological father. Christoper Montemayor. Isang guro. Batay sa impormasyon na ibinigay sa kanya ay binata pa rin ito hanggang ngayon at hindi na nag-asawa pa. "He must have been really in love with that woman," aniya sa isip na ang tinutukoy ay ang sariling ina. Sigurado siyang hanggang ngayon ay wala pa rin itong kaalam-alam na wala na siya sa malaking bahay nito. Hindi rin naman ito nagtatagal doon. Alexandra Laurel is a busy woman. At kahit na ana

