"Ano?!" Wala na siyang paki kung OA man ang reaksyon niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Harry sa kanya pagkatapos nilang mag-agahan. "Calm down," anito na tumingin pa sa gawi ng kanilang bahay. Naroon sila ngayon sa labas ng bahay at ang totoo ay nais na sana niyang itaboy ang lalaki. Nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa ito. Tsaka niya lang nalaman na nag-stay pala ito sa isang maliit na hotel doon. "Anong 'calm down'? Bakit kailangan mo pang mag-stay dito?" "Why not?" Napipikon na tumingin siya kay Harry. Wala ba talaga itong balak na bigyan siya ng peace of mind kahit na sandali? "Hindi ka bagay dito. At isa pa, maraming trabahong naghihintay sa iyo sa Laurel. Wala ka na ba talagang ibang inisip kung di ang bwisitin ako?" "The heck! Why would I do that?

