Napaatras siya nang marinig na may kausap ang ina sa sala nang umagang iyon. Kagigising lang niya ang maghihilamos na sana nang marinig ang boses ng bisita ng mama niya. "Ang dami mo namang binili, hijo? Sobra-sobra yatang pasalubong ito?" narinig niyang sabi ng ina mula sa sala. "It's nothing, tita," sagot naman ng kausap nito. "Harry?" Kumunot ang noo niya nang mahimigan ang boses ng kausap ng mama niya. Sigurado siyang si Harry iyon. Idinikit niya ang tainga sa pinto ng kwarto niya. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakalabas bago narinig ang mga ito. At ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking iyon sa kanila? Ng ganoon kaaga? "Aba, eh, pang-isang buwan na yata namin ito? Hindi ba nakakahiya sa iyo?" narinig niyang muling tanong ng mama niya. Nagtataka siya kung ano ba ang tinutuk

