"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Jasmin sa lalaking kaharap niya ngayon. Hindi ito agad na sumagot at matiim na tumingin sa kanya. "Why did you just leave?" balik tanong nito sa kanya. "Tinatanong pa ba iyon?" pigil ni Jasmin ang kanyang boses at palingon-lingon sa pintuan ng kusina. Nag-aalala siya na baka may marinig ang kanyang ina sa pag-uusap nilang iyon ni Harry. Hindi na nga niya alam kung paanong ipapaliwanag ang biglaang pag-uwi niya, dumagdag pa itong pagsulpot ni Harry. "Look, if this is about what happened in the resort, I'm sorry." "Sshh!" saway niya kay Harry. Baka kung ano pa ang masabi nito at marinig ng mama niya. "Pwede ba? Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan 'yan. Umalis ka na." "Then, come home. Why are you here?" "Anong 'come home'? Ito ang h

