CHAPTER FORTY SIX

1258 Words

"Harry, baka abutan ka ng ulan!" pigil niya muli rito. "Ayan na ang bahay namin,o!" Itinuro niya ang luma nilang bahay sa binata. Nahihiya siya rito dahil bukod sa luma na iyon ay marami na rin ang pagawain doon. Ngunit wala naman siyang balak na itago kahit na kanino ang estado nila sa buhay. Kahit na mahirap lang sila ay puno naman ng pagmamahal ang bahay na iyon. "Okay," sabi lang ni Harry habang nakatingin sa bahay nila. "Pasok ka na." Wala naman siyang nakitang ibang reaksyon sa mukha ni Harry. Sabagay ay hindi naman palahusga ang bagong kaibigan niya base sa kanyang pagmamasid dito. Kahit na mayaman ito ay hindi ito maarte hindi tulad ng mga feeling rich sa kanilang school. "Okay na ako. Uwi ka na, baka maabutan ka pa ng ulan." Umiling naman ito sa sinabi niya. "No. Pumasok ka n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD