Kanina pa nakatingin si Jasmin sa sunod sunod at malalakas na patak ng ulan. Mukhang hindi pa iyon titigil, naisip niya. Nilingon niya si Harry na nakaupo lang sa loob ng kanilang classroom. Wala pa rin itong imik kahit na isang oras na sioang stranded doon. Kung bakit ba nanan kasi siya pa ang nautusan ng kanilang teacher kanina, inabutan tuloy sila ni Harry ng ulan. Naiinis na bumalik siya sa loob ng classroom at tumabi rito. Nakapalumbaba siya nang tumingin kay Harry. "Sorry ha? Pati tuloy ikaw hindi makauwi," hinging paumanhin niya rito. "It's fine," matipid nitong sagot. Napangiwi siya nang marinig ang sagot nito. Nag-Ingles na naman kasi ito. Hindi naman sa hindi niya iyon gusto, nakakaintindi naman siya ng Ingles at kaya rin naman niyang magsalita niyon. Hindi lang talaga siya s

