Pilit na nagpupumiglas si Jasmin sa mahigpit na pagkakahawak ni Harry sa kanya habang patuloy ito sa paghila sa kanya. Kanina pa siya pilit na kumakawala mula rito ngunit mas siya lang ang nasasaktan sa ginagawa niya dahil parang bakal ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Sie Harry Sir, ano ba?!" tawag niya rito. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na niya itong tinatawag ngunit hindi naman ito lumilingon sa kanya. Basta patuloy lang ito sa paghila sa kanya pabalik sa hotel. Bahagya siyang kumalma nang makapasok na sila roon dahil ayaw naman niyang gumawa ng eskandalo. Hawak pa rin niya ang suot na polo dahil hindi pa iyon nakasara. Hiyang-hiya na rin siya sa mga taong napapatingin sa kanya. Hindi naman siguro iyon kakaiba dahil nasa beach resort sila. Ngunit nag-aalala pa rin

