CHAPTER FORTY TWO

1950 Words

Gustong pagsisihan ni Jasmin ang kanyang padalos-dalos na desisyon. Halos hindi na niya marinig ang paligid dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam pa nga niya ay hihimatayin na siya sa nerbyos. Kung bakit ba naman kasi nagpadala siya sa pang-iinis ni Kristine. "Jas, kaya mo 'yan! Huwag kang kabahan," narinig niyang sabi ni Nikki sa tabi niya. Gusto na sana niyang sigawan ang kaibigan dahil wala naman sana siya roon kung hindi dahil dito. Ngunit ito lang ang kakampi niya sa mga oras na iyon. At alam naman niya na hindi hangad ni Nikki ang mapahamak siya. Kung tutuusin ay may ipagpapasalamat pa nga siya sa kaibigan dahil bilib na bilib ito sa kanya kahit na ang iba ay hinahamak siya. "Hindi 'ko alam, Nikki. Bakit ang daming tao?" kinakabahan niyang tanong dito. Natawa pa ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD