CHAPTER TWENTY

1273 Words
Aminado si Jasmin na hindi niya gusto na nagkakalapit sina Harry at Sidney pero alam naman niyang wala siyang karapatang pagbawalan ang lalaki. Hello? Sino ba naman kasi siya? Girlfriend ba siya ni Harry? Oo nga at close sila nito ngunit hindi iyon sapat para pakialaman niya ang buhay ni Harry. Tutal naman, hindi naman nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Sa kanila pa rin sumasabay sa tuwing breaktime. At kapag wala itong practice sa basketball ay magkasabay pa rin silang umuuwi nito. Samantala, napag-alaman nila na hindi nakasali si Nilo sa basketball team. Wala siyang pakialam kung ano pang dahilan. Ngunit dahil sa paghahanda para sa taunang sports activity ng mga school sa kanilang lalawigan ay mas dumalas pa ang practice ng basketball team. At dahil doon ay madalas naring hindi nila nakakasama si Harry. Kahit sa breaktime ay sumasabay na rin ito sa team. At siyempre pa, kasama rin ng mga ito sila Sidney. Hindi na nga siya tinitigilan ni Amy at pinipilit nitong paaminin siya. Pero kahit na anong gawin nito ay hindi siya umaamin sa totoo niyang nararamdaman. Napakadaldal pa naman nito at sigurado siyang hindi nito iyon maitatago kay Hrry. Lumipas ang mga linggo at sumapit na ang araw ng pagsisimula ng mga laban ng kanilang basketball team. Naroon sila ngayon sa gym ng kanilang school para panoorin ang laban nila Harry at siyempre pa para suportahan din ito. "Tignan mo 'yang Sidney na iyan, grabe makadikit kay Harry! Feeling girlfriend!" naiinis na saad ni Amy na atabi niya. "Amy! Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa iyo," mahina niyang saway sa kaibigan. Napakarami pa namang tao roon! "At bakit? Totoo naman ang sinasabi 'ko. Kalat na kalat sa school na nagkakamabuihan na ang dalawang 'yan!" sabi pa ni Amy. Bigla siyang napalingon dito dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam na may ganoong chismis pala tungkol kay Harry. Palibhasa ay isinubsob na lang niya ang sarili sa pag-aaral nitong nakaraang linggo. Malapit na rin kasi ang final exa nila at aw naman niyang mangulelat. "Talaga? Baka naman para makalimutang wala na palan panahon sa iyo si Harry?" tuya niya sa sarili. "Anong nagkakamabutihan?" sa halip ay tanong niya kay Amy. Nilingon siya ni Amy at tsaka sumagot. "Hindi mo alam? Sabagay, busy ka kasi masyado sa pag-aaral. Ang sabi ni Glen, pinag-uusapan daw ng mga classmate niya 'yung dalawa." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Bakit hindi pa sabihin ni Amy? Kinakabahan na siya sa bawat sandaling lumilipas. "Tungkol saan?" tanong niya. "Ang nabalitaan 'ko lang, nag-date raw silang dalawa," nakasimangot na sagot ni Amy. Parang gusto niyang umiyak. Hindi niya inaasahan iyon. At bukod pa roon, wala namang ikinukwento si Harry tungkol doon. "Bakit? Kailangan ba ay ikuwento niya ang lahat sa iyo? Ano ka ba niya?" tanong niya sa sarili. Kaya pala hindi na ito sumasabay sa kanila ni Amy at hindi na rin ito sumasabay sa kanya sa uwian kahit pa wala namang practice ito nitong mga nakaraang araw. Pinigilan niya ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya. Hindi maaaring mata siyang ganoon ni Amy. "Okay ka lang ba?" maya-maya ay tanong ni Amy sa kanya. "Bakit?" kunwari ay nagtataka niyang tanong dito. "Hay naku, Jasmin! Kahit hindi mo aminin at wantusawa kang mag-deny diyan, alam 'kong may gusto ka kay Harry. At sure rin ako na ganoon din siya sa iyon," litanya nito. "Hindi no! At tsaka pwede ba hinaan mo naman ang boses mo, baka may makarinig sa iyo!" "Maang-maangan ka pa diyan, eh, obvious naman! Kung ako sa iyo, hindi ako papayagna maagaw sa akin ng Sidney na 'yon si Harry." "Bakit ka ba naiinis? Bagay naman sila," parang may bikig ang kanyang lalamunan habang sinasabi iyon kay Amy. Pero siniguro niyang hindi iyon mahahalata ng kaibigan. Maang na napatingin sa kanya si Amy. "Anong bagay? Kayo ni Harry ang bagay. Iyong Sidney na iyon, siya lang naman ang lapit ng lapit kay Harry." "Baka naman okay din si Sidney kaya naging malapit na sila ni Harry. Huwag na tayong makialam pa," aniya kay Amy. "Sige lang, Jasmin, tikisin mo 'yang sarilin mo. Hindi ka bibigyan ng award diyan sa pagiging martir mo." Hindi na siya sumagot. Hiayaan na lang niya si Amy na isipin nito ang gusto nitong isipin pero hindi pa rin siya aamin dito. Itinuon niya ang atensyon sa kanilang harapan. Naroon na ang mga manlalaro. Nakahanda na ang mga ito para sa magaganap na laban. Hinanap ng mga mata niya si Harry at nakita niya itong nakaupo sa bench habang binibigyan ang mga ito ng instruction ng kanilang coach. Nang matapos iyon ay nakita niyang naghanda na sila Harry. Lihim siyang napasimangot nang makita si Sidney na lumapit sa gawi nila Harry. Nasa ibaba ito nakaupo malapit sa pwesto ng mga basketball player, palibhasa ay cheerleader kay may access. may ibinigay ito kay Harry ngunit hindi iyon tinanggap ng lalaki. Pagkatapos ay tila may hinahanap ito na sinuyod ang gym. Malakas na tumibok ang puso niya nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya bago sumunod sa mga kasama nitong maglalaro. "Harry..." lihim niyang usal sa pangalan nito. "Gimugulo mo ang isip 'ko."                                                                                     ***** "Alam mo ba kung anong bali-balita ang kumakalat tungkol diyan sa Harry mo?" tanong sa kanya ng Kuya Jake niya sa kanya. Nadatnan niya ito sa kanyang kwarto nang gabing iyon. Katatapos lang niyang mag-shower noon. Kaya pala iba ang tingig ipinupukol nito sa kanya kanina pa. "Kuya, ayoko ng away," iwas niya sa kapatid. Malamang ay ang tungkol kina Harry at Sidnel lang din ang sasabihin nito sa kanya. Sa totoo lang ay nagguluhan din siya kay Harry. Pero maghihitay siya na ito ang magsabi ng tungkol doon sa kanya, hindi iyong chismis lang. "Bakit hindi mo muna ako pakinggan? Alam mo bang sila na ni Sidney? Pagkatapos niyang makipaglapit sa iyo at ligaw-ligawan ka? gago pala 'yun eh!" "Kuya, hindi kami ni Harry at mas lalong hindi siya nanliligaw sa akin." "Sige, ipagtanggol mo pa ang lalaking 'yon! Pasalamat ka nakiusap si Nilo sa akin na huwag nang gantihan ang Harry na iyon!" "Ano?" "Oo! Nakiusap sa akin si Nilo na hayaan na lang kayong dalawa. Pagkatapos ay ano? Gagaguhin ka lang pala niya?" "At naniwala ka naman kay Nilo?" Hindi niya alam kung bakit nauuto ng Nilo na iyon ang kapatid niya pero siya, wala talag syiyang tiwala sa lalaking iyon. "At kanino ako maniniwala? Sa iyo? Madal ka ngang nauto ng Harry mo," nang-iinis na sabi ng kapatid. "Lumabas ka na lang, Kuya. Pagod na ako at maaga pa ako bukas." Gusto niya nang matapos ang usapan na iyon dahil wala rin naman iyong patutunguhan. "Bahala ka kung ayaw mong makinig. Pero kung ako sa iyo, ibabaling 'ko na lang sa iba ang oras 'ko kaysa umaasa sa taong salawahan naman pala," maanghang na saad ng kapatid bago padabog na lumabas. Hindi na siya sumagot upang hindi na humaba pa ang usapan. Pagod na pagod talaga siya. Ilang araw narin kasi siyang nanoood ng laro ni Harry. Maganda ang naging performance ng kanilang team kaya naman umusad na iyon sa finals. Masaya siya para kay Harry. Naipakita nito ang galing sa larong iyon kaya naman marami ang humanga rito. Posibleng ito pa ang tanghaling MVP. Nahahapong humiga na siya sa kanyang kama. Gusto na niyang ipahinga ang utak sa maghapong pag-aaral. Pagod din siya sa kakaisip kay Harry. Hayan na naman siya.  Pinilit na niya ang sarili na makatulog. Dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog. Kailangan niya pa ng lakas dahil palapit na rin ng palapit ang final exam nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD