CHAPTER TWENTY ONE

1148 Words
Pakiramdam ni Jasmin ay bibigay na ang kanyang katawan sa sobrang pagod. Nagmamadali na siyang nagligpit ng gamit nang matapos ang huling subject nila ng araw na iyon. Katatapos lang ng final exam nila at talagang naubos ang kanyang lakas. Ganunpaman, alam niyang natapos niya ang mga pagsusulit na sigurado siyang nasagutan niya ng maayos ang lahat. Hindi man perfect ngunit naniniwala siyang mataas ang makukuha niyang mga grado. Paano ba naman ay talagang nag-aral siyang mabuti bago ang kanilang final exam. Nais niya pa ring makasama sa mga honor students sa kanilang klase. Isa pa ay naghahanda na rin siya dahil sa susunod na tao ay huling taon na niya sa high school at pagkatapos ay college na siya. Kung papalarin ay hiling niyang makapasok sa university sa lungsod. Kaya naman ngayon pa lang ay pinagbubuti na niya ang pag-aaral. Upang makapag-apply siya ng scholarship. Iyon lang naman ang chance niya na makapasok sa isang magandang school sa kanilang lugar dahil hindi naman kaya ng kanyang pamilya na ipasok siya sa mamahaling paaralan. Konting tiis na lang para sa kanyang mga magulang. Habang ang kanyang Kuya Jake ay hindi niya alam ang plano. Hindi na siya muling kinausap pa nito pagkatapos ng huli nilang pag-uusap kung saan nagtalo na naman sila tungkol kay Harry. Hindi pa rin naman ito umiiwas kay Nilo kahit na obvious na ang mga kalokohan nito sa buong school. Madalas na rin itong mapasama sa trouble. "Jasmin!" narinig niyang tawag ni Amy sa kanya. Mabilis itong lumapit sa kanya. "Uuwi ka na?" "Oo," maikli niyang tanong. "Si Harry?" "Umalis na. Sinundo ng mga ka-team niya, may gimik daw sila." "At least nagpapaalam pa rin siya sa iyo," nanunuyang sabi nito. Maagang natapos si Harry sa exam kaya naman pinalabas na ito ng kanilang teacher. Pero bago ito umalis ay nagpaalam naman ito sa kanya. Sanay na rin naman siya na hindi na nakakasama si Harry. Madalas na rin kasi itong gumimik kasama ang basketball team. At siyempre pa, kasama rin doon si Sidney. Hindi niya alam kung ano na ba ang dalawa dahil ayaw naman niyang magtanong kay Harry tungkol doon. Kaya hinayaan na lang din niya. Naisip niya, marahil ay masaya na roon si Harry. "Hindi ka ba naiinis kay Harry?" tanong ni Amy sa kanya habang naglalakad sila palabas ng school. "Bakit naman ako maiinis?" balik tanong niya sa kaibigan kahit na alam na alam naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin. "Hello? Bigla ka na lang niyang iniwan sa ere. Pagkatapos niyang ipamalita na nililigawan ka niya," halata ang inis sa boses ni Amy nang sabihin iyon. "Amy..." "Oo na, hindi naman totoo na nililigawan ka niya. Oo na, dapat maging masaya tayo na masaya si Harry sa mga bago niyang kaibigan. Ilang beses mo nang sinabi 'yan pero hindi 'ko pa rin ma-gets si Harry," putol nito sa sasabihin niya. Nanawa na yata ito sa palagi niyang sinasabi at nakabisado na nito. "Hindi naman natin maaaring kontrolin si Harry. Isa pa, minsan naman ay nakakasama pa rin natin siya." Oo, minsan ay nakakasama pa rin nila ito sa breaktime ngunit mas madalas na hindi. Palagi kasi itong inaabangan ng mga ka-team nito. Palibhasa ay maganda ang ipinakitang performance nito at naging daan iyon para manalo sa finals ang kanilang school. At hindi nga siya nagkamali dahil si Harry ang itinanghal na MVP. Dahil doon ay naging popular na ito at dumami ang tagahanga. "Palibhasa ay naging sikat na siya!" "Amy, hindi naman siguro sa ganoon iyon. Alangan din naman kasi na tayo lang ang kasama niya, gayong lalaki siya at pareho tayong babae." "Eh, bakit madalas din namang sumasama sa kanila si Sidney? O, ano 'yun? Babae rin naman siya ah!" Hindi siya nakasagot. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong tamang sabihin na hindi mag-iisip ng masama si Amy laban kay Harry tungkol dito at kay Sidney. Kumbinsido kasi si Amy na totoo na ang chismis tungkol sa dalawa. Na maaaring "sila" na nga. "Siguro ay sila na talaga ni Harry! Hindi lang niya maamin sa iyo dahil baka masaktan ka," ani Amy. "Wala naman akong karapatang masaktan. Kung totoo man iyon, dapat ay maging masaya ako para kay Harry," sagot na lang niya. Kahit siya ay nasasaktan sa mga sinasabi niyang iyon. Lahat kasi ng sinasabi ni Amy ay may punto at may mga pagkakataong ganoon din ang kanyang naiisip. "Hay naku, Jasmin! Kahit isang beses nga magpakatotoo ka man lang! Alam naman natin pareho na may point ako. Pilit mo pang sinasabi na "dapat" ay maging masaya tayo para kay Harry, pero ang totoo hindi ka naman talaga masaya dahil nasasaktan ka." Hindi na siya nakasagot pa dahil iniwan na siya ni Amy. "Jasmin?" nilingon niya ang taong tumawag sa kanya. Pero pinagsisihan din niya iyon dahil ang taong iyon pala ay si Nilo. Himala mang matatawag pero wala itong alipores na kasama ngayon. "May kailangan ka?" malamig na tanong niya rito. Bahagya itong napangisi. "Hindi mo yata kasama si Lover Boy?" "Hindi 'ko alam kung sino ang tinutukoy mo. Kung wala ka namang sasabihin ay aalis na ako." "Teka, Jas..." pigil nito sa kanya. Naramdaman niya ang kamay nitong pumigil sa kanyang braso nang akmang tatalikuran na niya ito. Hinila niya ang kanya braso mula rito. Hinayaan naman iyon ni Nilo pero hindi pa rin nito napigilan ang ngising nakakapangilabot para sa kanya. "Alam 'kong hindi naging maganda ang pagkakakilala mo sa akin. Well, siguro ay dahil hindi naman talaga ako "good boy", pero maniwala ka, Jasmin, gusto talaga kita at seryoso ako sa iyo," sabi nito. "Sorry, pero wala kang aasahan sa akin," deretso niyang sagot sa lalaki. Totoo naman iyon at mabuti nang malaman nito ang totoo at hindi na umasa pa.  "Bakit? Dahil kay Harry? Wala ka nang pag-asa ron, may Sidney na iyon," nag-iinis na sabi pa ni Nilo. Tinubuan siya ng pagkairita dahil sa sinabi nito. "Kahit walang "Harry", hindi pa rin maaari ang gusto mo. Kaya sana ay tigilan mo na ako." "Jas..." "I'm sorry," ani niya tsaka ito tinalikuran. Hindi na siya lumingon pa at deretsong naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Wala naman siyang naramdaman na sumunod sa kanya. Nang makasakay ng jeep ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Mabuti naman at hindi na siya sinundan ni Nilo. Talagang kinakabahan siya kapag nasa malapit ito. Pag-uwi niya sa kanila ay nagmamadali siyang nagpalit ng damit. Gusto niyang magpahinga dahil totoong napagod siya ng araw na iyon. Ilang araw din kasi siyang napuyat kaka-aral. Maggagabi na nang magising si Jasmin. Nag-ayos lang siya ng sarili at saka lumabas ng kwarto niya. Naabutan niya ang kanyang ina sa sala. Nag-alala siya nang makitang umiiyak ito. "Ma? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" tanong niya rito nang makalapit dito. "Jasmin," tawag nito sa pangalan niya habang umiiyak. "Ang kuya mo." Kinabahan siya. May masama bang nangyari sa kapatid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD