CHAPTER EIGHT

1155 Words
Pakiramdam ni Jasmin ay nanlalambot ang tuhod niya at hindi siya makahinga. Bakit ba parang ang bagal-bagal ng oras habang nakasakay sila sa elevator? Feeling niya ay kalahating araw na ang itinagal ng pag-akyat nito, samantalang nasa seventh floor lang naman ang kanyang department? Sino ba naman kasi ang magiging komportable gayong ang mga kasabay niya sa elevator na iyon ay mga big boss ng Laurel? Bukod pa kay Harry na siyang presidente niyon? Sa tagal niya na sa kompanyang iyon ay ngayon lang siya nakalapit ng ganito sa mga ito, maliban siyempre kay Harry. At ano na lang kaya ang nasa isip ng mga ito matapos ang ginawa ni Harry? "Naku naman! Hindi ko pa naman naplantsa ng maayos ang suot 'ko ngayon dahil sa pagmamadali!" aniya sa isip. At talagang may gana pa siyang isipin ang kanyang suot na damit?  Hindi ba mas dapat niyang problemahin ang nangyari kanina? Tiyak na magiging usap-usapan na naman siya dahil doon. Ano ba naman kasi ang nagtulak kay Harry para gawin iyon sa harap pa man din ng mga empleyado nito? Hindi yata ito aware na daig pa ng mga tao sa kompanyang iyon sina Kuya Boy at Cristy Fernandez na mga batikan sa pang-iintriga? At bakit ba ang lapit-lapit nito sa kanya? Hindi niya tuloy mapigilang amuy-amuyin ito. Tulad noon ay napakabango pa rin ng lalaking ito. Pinigil niya ang mapapikit habang ginagawa iyon. Baka makahalata ito! Doon naman bumukas ang pinto ng elevator. Sa wakas, nasa seventh floor na sila. Nagmamadali siyang lumabas. Hindi na niya naisip kung OA man ang ginawa niyang paglabas. Bahala nang makahalata ang mga ito. Tutal naman ay walang-wala naman iyon sa ginawang eksena ni Harry kanina. Nang makarating sa kaniyang pwesto ay pabagsak siyang naupo sa kanyang office chair. Ang aga-aga, naubos agad ang kanyang lakas! Hindi pa man din nagsisimula ang kanyang trabaho. Ano ba namang pagsubok ito? Pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang kumayod alang-alang sa kanyang mga magulang. Hindi maaaring sumuko na lang siya dahil lang sa personal na buhay niya. Wala pa namang ginagawa si Harry maliban sa pag-uusap nila kahapon at ang paghila nito sa kanya kanina. Ngunit nakahanda pa rin siya kung bigla na lang siyang ipatawag sa HR mamaya at sabihing sinibak na siya ng big boss. Napahawak siya sa noo dahil sa mga naisip. Wala pa naman, so, gagawin pa rin niya ang kanyang trabaho. Natambakan na siya dahil sa meeting kahapon kaya naman sinaway na niya ang sarili sa pag-aalala at nag-umpisa nang gawin ang mga naiwang trabaho. Dahil sa dami niyon ay hindi na niya namalayan ang oras at nagulat pa nang biglang lumitaw si Nikki sa harap niya. "Huy!" tawag nito sa kanya. "Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?" "Ikaw ha? May hindi ka sinasabi sa akin! Alam mo bang kanina pa 'ko hindi mapakali at hintay ng hintay sa lunch break dahil sayo," sa halip ay sabi nito sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Clueless ka pa, teh? Aba'y ikaw ang bidang-bida ngayon sa buong opisina." Bahagya pang inilapit ni Nikki ang mukha sa kanya at pabulong na nagsalita. "Anong meron sa inyo ng presidente?" "Shhh!" saway niya kay Nikki. "Itikom mo iyang bibig mo!" "Useless na iyan. Kalat na kalat na ang mala-koreanovela niyong eksena kaninang umaga. Kaya huwag ka nang pabebe diyan at marami kang ikukwento sa akin." "Pati si sir Harry hindi na nakaligtas sa inyo." "Naku, Jasmin! Hindi uubra sa akin 'yang taktika mo. Bilisan mo diyan, tara na sa canteen!" Nauna na itong tumayo ngunit nakakailang hakbang palang ito ay huminto na para hintayin siya. Sumenyas pa ito sa kanya nang makitang hindi pa rin siya tumatayo. Nang makarating sa canteen ay ilang mapanuring tingin ang sumalubong sa kanya. Karamihan sa mga iyon ay mga officemate niyang kababaihan. Sa halip na magpadala sa mga iyon ay dinedma na lang niya ang mga iyon at umorder ng pagkain niya kasabay si Nikki. "Sabi 'ko sayo 'di ba? Talk of the town ka," sabi nito nang makaupo sila. "Hayaan mo sila, magsasawa rin ang mga iyan," sagot niya rito kahit na sa loob-loob niya ay hindi rin naman siya komportable na pinagtitinginan siya at malamang ay siya ang topic ng mga ito. Nagkunwari na lang siya na walang pakialam at kumain. Sa totoo lang, hindi rin naman biro ang nangyari kanina ngunit ano pa bang magagawa niya? Nangyari na. Alangan namang sitahin niya si Harry? Baka mas mapaaga ang pagpapatalsik sa kanya nito. "Ano ba kasing meron sa inyo ni sir Harry? Bakit ka niya hinila at isinabay sa elevator? Tsaka anong nangyari doon?" tanong sa kanya ni Nikki. Tinignan niya ang kaibigan. Mahihirapan siyang mag-deny. At sure siyang hindi siya titigilan ni Nikki. "Classmate 'ko dati si sir Harry," maikli niyang sabi rito. "Ano? Paano? Sabi mo ay sa probinya niyo ka nagtapos?" naguguluhan nitong tanong. "Oo nga. Basta mahabang istorya, naging classmate ko siya sa amin noong high school. Doon kami nagkakilala nang mag-transfer siya. Hanggang doon lang ang pwede 'kong ikwento kasi wala ako sa lugar para sabihin sa iyo kung bakit." Matiim siyang tinignan ni Nikki. "Okay. Pero classmate lang ba talaga kayo? Wala kayong past?" "Shhh! Huwag kang maingay! At anong past ba iyang sinasabi mo? Nakakahiya, baka may makarinig sa iyo ay makarating pa sa amo natin," mahina niyang saway kay Nikki. Napatingin naman ito sa paligid nila. Marahil ay natakot din ito na makarating sa presidente na pinag-uusapan nila ito. "Kasi, kung magkaklase lang kayo ni "H", bakit ka niya hihilahin papasok sa elevator? Kung talagang walang namagitan sa inyo, dapat ay kaswal lang na batian ang nangyari 'di ba? Kaswal ba iyon? Hindi! Parang eksena iyon sa isang love story." "Anong love story? Sinagot 'ko na iyong tanong mo, wala. Kaya tantanan mo na iyang issue na 'yan." Marahan siyang tumingin sa mga katabing mesa nila. Medyo malayo naman ang mga iyon at mahina rin naman ang boses nila ni Nikki. Sana lang talaga ay hindi na ito makarating pa kay Harry. Baka dahil sa chismis na kumakalat tungkol sa kanila ay magkaroon pa ito ng dahilan para tuluyan siyang paalisin. Kahit na inaasahan na niya iyon, masakit pa rin para sa kanya na mapatalsik sa kompanyang iyon. Hindi siya nagtyaga at nagpakapagod doon para lang masibak ng ganon-ganon na lang. Pinaghirapan niyang makapasok doon dahil alam niyang malaki ang maitutulong niyon sa kanyang career. Nagmadali na siyang kumain at inaya na si Nikki na bumalik sa kani-kanilang department. Panay tuloy ang reklamo nito sa kanya. Nang makabalik siya ay binundol ng kaba ang kanyang dibdib nang makita ang isa sa mga HR clerk ng Laurel na palabas mula sa private office ni Mr. Marasigan. "Miss Sylvia?" tawag niya sa atensyon nito. "Miss Nicolas. Nandito ka na pala. Ipinatatawag ka sa HR," ani Ms. Sylvia sa kanya. "Po?" Daig pa niya ang nakipag-karera sa bilis ng t***k ng puso niya dahil sa sinabi nito. "Harry!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD