CHAPTER NINE

1097 Words
Kulang na lang ay humagulgol si Jasmin sa pinagsama-samang damdaming nadarama niya nang mga oras na iyon habang nakasunod kay Ms. Sylvia papunta sa Human Resource department. Nangingibabaw ang kanyang pag-aalala para sa mga magulang sa probinsiya na umaasa sa kanya. Kahit na may pensyong natatanggap ang ama niya ay hindi pa rin iyon sasapat lalo pa at napakaraming maintenance na gamot ang iniinom nito. Maliit lang naman ang nakukuha nito buwan-buwan at ginagamit ng mga ito iyon sa pangkain para sa araw-araw. Bukod doon ay siya na ang may sagot ng lahat. Mula sa kuryente, tubig, at pagpapatingin sa doktor ng mama at papa niya. Matanda na rin kasi ang ina niya at marami na rin itong nararamdaman. Pinigil niya ang luha nang maalala ang mga ito. Hindi pa nga niya natutupad ang pangako sa ama na ipa-renovate ang kanilang bahay. Alam niyang hindi lang nagsasabi sa kanya ang papa niya ngunit matagal na nitong nais na ipaayos ang minana nilang bahay. Kahit kailan ay hindi nanghingi sa kanya ang mga magulang. Hindi siya inoobliga ng mga ito dahil alam ng mga ito na pangarap niyang magkaroon ng negisyo, pero kagustuhan niyang maibigay ang para sa mga ito. Bilang isang anak, hindi niya matitiis ang mga magulang na bumuhay at nagsakripisyo para sa kanila. Kung sana ay hindi nalulong sa barkada ang kuya Jake niya ay baka mas maayos ang sitwasyon nila ngayon. Hindi sana siya kayod-kalabaw. Hindi siya nagrereklamo na siya ang halos bumubuhay sa pamilya. Ngunit sana ay dalawa silang magkapatid na nagtutulong para sa mga ito. Tapos ngayon ay napunta pa siya sa sitwasyong kahit kailan ay hindi niya naisip. Matagal na nang huli silang magkita ni Harry kung saan nagkaroon ito ng dahilan para mamuhi sa kanya. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang side pero maging siya ay nasaktan din naman at hindi na rin siya binigyan ni Harry ng pagkakataon na magpaliwanag. Ngayon ay amo niya ito at dala-dala pa rin nito ang galit mula sa nakaraan. Ang masakit lang, madadamay pa ang kanyang responsibilidad bilang anak dahil sa nakaraang iyon. Hindi naman kasi ganoon kadali na humanap ng trabaho sa siyudad. Ayaw naman niyang bumalik sa kanilang probinsiya dahil mas malayo niyang matutupad ang pangarap kung doon siya magta-trabaho. Bukod sa maliit lang ang kanilang lugar ay hindi rin ganoon kalawak ang opurtunidad. Ang ikinatatakot pa niya ay baka gamitin ni Harry ang koneksyon nito para hindi siya tanggapin ng ibang kompanya. "Ms. Nicolas, maupo ka muna," agaw ni Ms. Sylvia sa kanyang atensyon. Tumango lamang siya rito at marahang naupo sa couch doon. Kahit na may ideya na siya kung bakit siya pinatawag doon ay kinakabahan pa rin siya. Ilang minuto pa siyang nanghintay roon nang papasukin na siya ni Ms. Sylvia sa private office ng HR Manager. "Good afternoon, Ms. Nicolas. Please sit down," bungad ni Ms. Zaragoza. Isang middle-aged woman. Itinuro nito sa kanya ang upuan sa harap ng executive table nito. "Good afternoon po, ma'am," mahina niyang bati rito. Nagtataka naman siya kung bakit parang nakangiti ito sa kanya. Masaya pa ba ito na may patatalsikin itong empleyado? Hindi naman siguro? "Ms. Nicolas..." umpisa ng kaharap. "There's something that I need to discuss with you, regarding your position in the company." Ayan na... "As you may already know, we have a new president, Mr. Harry Laurel, the son of our former president." "Tanggal na ba ako, ma'am? Did the president fired me?" Hindi niya gusto iyong pinapakaba pa siya. Kanina pa siya halos maihi sa sobrang nerbyos. Kaya naman dineretso na niya ang kaharap. Ganoon din naman 'yun oras na sabihin nito ang desisyon ni Harry. Tila naman hindi inaasahan ni Ms. Zaragosa ang kanyang sinabi base sa reaksyon nito nang tanungin niya ito. "Why would the president fire you? Is there something you did that we have not been informed?" tanong nito nang makabawi. Siya naman ang naguluhan. Pero maagap siyang sumagot. "Wala po! I mean, wala po akong ginawang masama sa kompanya." "So why are you asking that? The president did not fire you, to answer your question. But, you are going to be transffered in another post." "Huh?" naguguluhan niyang tanong. "The president needs a personal assistant, aside from sir Jason, as per his request. And we present employees that we thought are qualified for the position and..." Parang biglang nag-slow motion ang lahat para kay Jasmin habang nakikinig sa sinasabi ni Ms. Zaragosa. Parang alam na niya kung saan papunta ang sinasabi nito. "...and he chose you among all the employees that we picked." Boom! Tila may sumabog sa pandinig ni Jasmin nang sa wakas ay matapos ang sinabi ng HR Manager nila. Oo nga at ayaw niyang basta na lang matanggal sa kompanyang iyon tulad ng inaasahan niyang mangyayari. Ngunit mas ayaw niya ang nangyaring iyon. Ano ba namang biro ito ng tadhana? O tadhana pa ba iyon o si Harry lang na alam naman niyang may hidden agenda kung bakit nagdesisyon ng ganoon. "You are very lucky, Ms. Nicolas. Mismong ang presidente ang pumili sa iyo. In regards with your salary after the transfer, of course there would be a difference. Here, look at the contract that we prepared for you. Basahin mo and then please tell me if there is something that you do not agree." Inabot nito sa kanya ang isang folder kung saan naroon ang kontratang sinasabi nito. Nanlaki ang mata ni Jasmin nang makita ang kanyang magiging sahod oras na maging personal assistant na siya ng presidente. Bukod pa roon ay hindi madaling tanggihan ang mga benepisyong maaari siyang magkaroon tulad ng HMO kasama na ang kanyang mga dependents. Siyempre pa, walang iba iyon kundi ang kanyang parents. Muli siyang tumingin kay Ms. Zaragosa na naghihintay ng kanyang sagot. Kung tatanggapin niya iyon, hindi ba at para na rin niyang ipinasok ang sarili sa kulungan ng mabangis na leon? At ang leon na iyon ay walang iba kundi si Harry. Makakaya ba niyang makasama ito araw-araw? Sigurado siyang ginagamit lang ni Harry ang kapangyarihan para makaganti sa kanya. Ano ba naman iyong barya-barya lang dito kung magagawa naman nitong pahirapan siya? "Pwede 'ko pa bang pag-isipan, ma'am?" maya-maya ay tanong niya kay Ms. Zaragosa. "Why? Is there something wrong?" kunot ang noong tanong nito sa kanya. "Ah... hindi naman po sa ganoon, ma'am. Ah... gusto 'ko lang pong pag-isipan muna," sagot niya. "You need to answer now." Sabay pa silang gulat na napalingon sa may-ari ng baritonong boses na bigla na lang nagsalita. At walang iba iyon kundi ang may pakulo ng lahat ng iyon. "Sir Harry!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD