Sabay pa silang napatayo ni Ms. Zaragosa nang makitang nasa pintuan ng opisinang iyon si Harry. Bakit ba ito bigla-biglang naroon? Hindi na niya makontrol ang puso na parang lalabas na sa kanyang dibdib!
"We need your answer now, Ms. Nicolas," buong-buo ang boses ng lalaki habang sinasabi iyon. Para siyang nabato-balani at hindi makagalaw at parang tangang nakamasid lang dito.
Pero deep inside, nagrarambulan na yata ang mga laman-loob niya dahil sa presensiya nito. At bakit ba bigla na lang itong nasa harapan niya? Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.
Napakalapit!
"Ahm..." Shet! Nanginginig ang boses niya.
"Sir Harry, I did not know you're coming," narinig niyang singit ni Ms. Zaragosa. Nanginginig din ba ang boses nito?
Ngunit hindi man lang ito nilingon ni Harry at nakatutok lang talaga sa kanya ang mga mata nito. Nakakapaso ang mga tingin nito! Parang dati!
"Actually, I think I don't have to ask for your permission. And, I don't need to wait for your answer," ani Harry kapagkuwan. Pagkatapos ay tsaka nito nilingon si Ms. Zaragosa. "Proceed."
"Huh? Ah... Yes, sir!" sagot naman ng kanilang HR Manager.
Doon lang umalis si Harry. Walang paa-paalam na sumibat habang silang dalawa ni Ms. Zaragosa ay naiwang biglang-bigla sa pangyayari.
"I'm sorry, Ms. Nicolas, but you heard the president. Please sign the papers," sabi nito nang makabawi.
Tama ba iyong ginawa ni Harry? Sapilitan nitong inilipat ang empleyado nito without hearing her side? Paano kung labag pala iyon sa kanyang kagustuhan?
Oo, labag iyon sa loob niya. Iyon nga lang saglit na paghaharap nilang dalawa ay hindi na siya komportable, paano pa kaya iyong isang buong araw silang magkasama. At araw-araw pa iyon ha?
Ngunit kaya niya ba itong suwayin? Hindi ba't ikinakatakot nga niyang masibak sa kompanyang iyon?
"Ms. Nicolas?" narinig niyang untag ni Ms. Zaragosa sa kanya.
Hindi na siya nag-isip pa. Kinuha niya mula rito ang inaabot na dokumento at ballpen Maaaring hindi nga siya magiging at ease pero mas hindi naman niya makakayang walang ipangbuhay sa pamilya.
Jasmin Nicolas, Executive Assistant of the President. Signed.
*****
'Pag balik niya sa kanyang pwesto, naabutan niya roon si Mr. Marasigan. Nang mapansin siya nito ay nginitian siya nito ngunit bakas naman ang lungkot dito.
"Are you okay, Jasmin?" tanong nito nang magkaharap na sila.
"Opo naman, sir. Bakit naman po hindi?"
Ilang segundo rin itong nakatingin lang sa kanya bago nagsalita. "I know, I'm not in the place to tell you this, but I know you are not comfortable with the president."
Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa sinabing iyon ng amo. Ay, dati pala niyang amo.
"Matagal na tayong magkasama. Napalapit ka na sa akin at para na ring anak ang turing 'ko sayo. Kaya alam kong hindi ka masaya sa paglipat mo.
"Hindi 'ko alam kung anong meron sa inyo ni sir Harry, pero, sana ay makaya mo iyan. I believe in you. You worked so hard and I know how you wanted to go up. Malayo ang mararating mo, I know it," mahabang sabi nito.
Parang gusto niyang maluha pero ayaw din niya. Sa ilang taon nilang pagsasama ni Mr. Marasigan ay ngayon lang ito nagsalita ng ganoon sa kanya. Kung naririnig lang sana iyon ng mga intrigera nilang kasamahan sa trabaho ay baka mapahiya pa ang mga ito.
Nagpaalam lang ito sa kanya at pumasok na sa opisina nito. Siya naman ay naiwang tulala at hindi alam ang uunahin. Ang sabi ni Mr. Marasigan ay mayroon na siyang kapalit at bahala na siya ritong ituro ang lahat sa iiwanan niyang posisyon.
Paupo pa lang siya ay bigla namang lumitaw si sir Jason, ang assistant ni sir Harry. Ano pa bang hindi nito magawa at kailangang dalawa pa silang assistant ni Harry?
"Good afternoon, Ms. Nicolas. I hope you are ready. The president is waiting for you," walang ligoy nitong saad sa kanya.
Napanganga siya. Wala pang kalahating oras mula nang makabalik siya ay gusto nitong ready na siya. At paano iyong kapalit niya? Paano niya iyon matuturuan kung aalis na lang siya bigla.
"Excuse me, sir, pero hindi 'ko po maintindihan," nag-aalinlangan niyang tanong.
"Pinapasundo ka na ni sir Harry. I think you already know why."
"I'm sorry, sir, but, paano po iyong kapalit 'ko?"
"Don't worry about that. I will take care of it," sabi nito.
Hindi na siya sumagot pa. Ano pa bang magagawa niya, naroon na ito para sunduin siya? At mukhang hindi naman ito aalis na wala siya.
Kinuha niya lang ang kanyang mga personal na gamit sa kanyang desk at nagpaalam na kay Mr. Marasigan. Mukhang hindi na rin ito nagalit nang sabihin niyang naroon na si sir Jason para sunduin siya.
Habang papunta sila ni sir Jason sa twenty-eighth floor kung saan naroon ang private office ni sir Harry ay hindi niya maiwasang kabahan.
Ano ba ang plano nito? May balak ba talaga itong gumanti sa kanya? Pahirapan siya?
Uungkatin ba nito ang nakaraang pareho lang naman silang nasaktan at nagdusa? Kung tutuusin ay siya pa ang mas kawawa sa kanilang dalawa dahil hanggang ngayon ay dalahin pa rin niya ang bakas noon. Samantalang ito ay prenteng nakaupo lang sa opisina nito habang patuloy na yumayaman.
Kung ganon man, kailangan niyang sabihin dito na wala siyang kasalanan dito. Kung sana ay noon pa lang ay binigyan na siya nito ng pagkakataong magpaliwanag ay hindi sana sila ganito.
So, ano sila sana ngayon?
Dahil doon ay muli na namang dumaloy ang alaala mula sa nakaraan kung bakit sila magkakilala ng isang Harry Laurel.
*****
"Ngayon mo sabihing walang "something" sa inyo ni Harry!" kulit sa kanya ni Amy. Pabalik na sila sa kanilang classroom matapos ang breaktime.
May kaba pa rin siyang nararamdaman matapos ang muntik na niyang pagsubsob kanina. Iniisip pa lang niya na tumama ang kanyang mukha roon ay para na siyang nasaktan. Mabuti na lang talaga at naroon si Harry.
Ngunit hindi niya rin maipaliwanag ang naramdaman kanina nang malapitan niyang natitigan ang binata. Gwapo pala talaga ito. At ang bango!
Hindi niya tuloy maalala kung nakapagpasalamat ba siya rito. Napakabilis naman kasi ng pangyayari. Mabilis ding nawala sa harap niya si Harry matapos masigurong maayos na siyang nakatayo.
"Ano, Jasmin? 'Di ka pa rin aamin?" Hindi pa rin pala tumitigil si Amy.
"Ano bang aaminin 'ko? Eh, nagkataon lang naman na nadon si Harry kanina. At tumigil ka na diyan. Malapit na tayo sa classroom natin," saway niya ruto.
"Okay! Pero hindi pa rin ako naniniwala na wala lang 'yon!" anito at nagpatiuna nang pumasok.
Huminga siya ng malalim at sumunod na kay Amy.
Una niyang nakita si Harry 'pag pasok niya. Nagbabasa ito ng libro at tila walang pakialam sa iba. Hindi nito pinapansin ang ilan nilang classmates na babae na panay ang pagpapapansin dito.
Lalakad na sana siya papunta sa pwesto niya sa tabi ni Harry nang makitang umupo roon si Nancy, ang muse ng kanilamg klase. Maganda ito at matalino. Marami ang nagkakagusto rito sa buong campus. Ngunit ayon kay Amy ay mataas ang standard nito. Sabi pa ng kaibigan, bali-balitang naging nobyo pa nito ang anak ng kanilang vice mayor.
Ngumiti si Nancy at tinawag si Harry. Lumingon naman si Harry ngunit hindi nagsalita. May sinabi si Nancy na hindi niya na narinig dahil medyo malayo siya. Ngunit nang magsalita na si Harry ay bigla na lang nawala ang magandang ngiti ni Nancy.
Kumunot ang noo niya at tsaka dahan-dahang lumapit sa mga ito. Ano kayang sinabi ni Harry sa babae? Bigla na lang kasing tumayo si Nancy at nagmamadaling bumalik sa upuan nito. Naglapitan naman ang mga kaibigan niyo at tumingin sa gawi ni Harry.
Umupo na siya sa kanyang pwesto at pasimpleng tinignan si Harry na busy pa rin sa binabasang libro. Parang wala lang rito ang nangyari sa pagitan nito at ni Nancy. Pero ano naman kaya ang maaaaring sinabi ng katabi sa maganda nilang classmate para maging ganoon ang reaksyon nito?
Nacu-curious siya pero wala siyang lakas ng loob na magtanong. Bakit, close ba sila ni Harry? At mas lalong hindi sila close ni Nancy.
Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang dumating na ang kanilang guro.
Nang hapong iyon ay nagmamadaling umuwi si Jasmin. Pupuntahan niya ang kanyang kuya Jake sa building ng fourth year upang kausapin. Hindi kasi siya makahanap ng pwesto sa bahay nila at baka marinig pa sila ng mama nila.
"Jasmin!" narinig niyang tawag ni Amy sa kanya. "Saan ka pupunta? Bakit nagmamadali ka?"
"Kay kuya Jake. May kailangan akong sabihin," sagot niya rito at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Sandali! Bakit?" habol pa ni Amy.
"Wala lang, tungkol lang sa bahay," pagdadahilan niya. Nagprisinta itong samahan siya ngunit tumanggi siya. Nais niyang makausap ng sarilinan ang kapatid.
Inabutan niya ang kapatid na palabas ng silid-aralan ng mga ito. Kasunod nito ang ilan sa mga kaibigan nito.
Tila nagulat pa ito nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito?"
"May sasabihin ako sayo, kuya. Sabay na tayong umuwi," sagot niya rito.
"Sa bahay na lang. May lakad kami ng tropa. Umuwi ka na," anito.
"Importante ito," pilit niya sa kapatid.
Kaya nga siya pumunta roon para hindi na ito makaalis pa kasama ng barkada nito. Mabuti sana kung sa ikakabuti ang lakad ng mga ito ngunit alam naman niyang hindi.
"Importante rin ang lakad namin. Ano ba 'yun? Sabihin mo na," parang naiinis na sabi ng kapatid.
"Umuwi na tayo, kuya. Baka magalit na naman si mama sayo."
"Hayaan mo siya. Malaki na ako. Huwag ka nang dumagdag pa. Umuwi ka na!"
"Pero, kuya-" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil nilagpasan na siya ng nakatatandang kapatid.
"Nilo, pare!"
Kumunot ang noo niya at napalingon sa kanyang likuran.
"Jake, bro! Nandito pala si Jasmin. Hi Jas!"
Tumango lang siya kay Nilo. Isa pa ito sa problema niya. Paano na lang kung totoo ang mga nabalitaan niya kay Amy? Kailangan niyang mag-ingat lalo pa at ayon kay Amy ay kursunada siya nito. Hindi na rin niya iyon maitatanggi lalo pa at iba na ang uri ng tingin sa kanya nito.
"Ah... oo, pare. Nagpapaalam lang 'tong utol 'ko sa akin pauwi," sabi ng kapatid niya.
"Ganun ba? Gusto mo hatid 'ko na si Jasmin?" prisinta ni Nilo.
"Hindi na. May pupuntahan pa ako. Sige, kuya, mauna na 'ko. Huwag kang pagabi." Nilagpasan na niya ang mga ito at nagmamadaling umalis doon.
Kahit na wala namang ginawa si Nilo ay kinakabahan pa rin siya. Magmula nang marinig niya ang kwento ni Amy tungkol dito ay naging alerto na siya. Hindi siya judgmental na tao pero iba talaga ang pakiramdam niya sa lalaki.
Ngunit habang naglalakad pauwi ay hindi naman siya mapakali. Paano ang kuya Jake niya kung totoong ganoong klase nga ng tao si Nilo? Baka madamay pa ito o kaya naman ay maimpluwensiyahan pa.
Mamayang gabi ay talagang kakausapin na niya ang kapatid.
*****
"Huwag kang nagpapaniwala sa mga naririnig mo lang, Jasmin. Mabait si Nilo. Hindi mo lang siya kilala," sabi ng kuya Jake niya nang kausapin niya ito tungkol sa kaklase.
Hindi nga siya nagkamali, ginabi na naman ang kuya Jake niya sa pag-uwi at halata ang sama ng loob ng mama nila. Hindi nga ito kumain ng hapunan at maagang pumasok sa silid ng mga ito.
Nagdaramdam siya sa kapatid dahil sa inaasal nito pero ayaw pa rin niyang mapahamak ang kuya Jake niya.
"Kahit na hindi totoo ang mga iyon, mas okay siguro kung iiwas ka muna sa kanila. Isipin mo naman ang nararamdaman ni mama. Si papa,. hindi lang iyon nagsasalita pero nasasaktan din iyon."
"Pwede ba, Jasmin, huwag mo na 'kong dakdakan! Lumabas ka na at gusto 'ko nang magpahinga. Pagod na pagod na ako sa pagbubunganga ni mama, pati ba naman ikaw?"
Nagulat siya sa pagsinghal ng kapatid. Hindi naman ito dating ganoon. Malapit sila sa isa't isa hanggang sa maramdaman na lang niyang para lumayo na ito sa kanya at sa mga magulang nila.
"Labas na!" singhal ulit nito nang hindi siya gumalaw.
Dahil nagulat ay nagmamadali siyang lumabas sa kwarto ng kapatid. Ano bang nangyayari sa kuya niya? Bakit parang galit ito sa kanila?
Labis ang pag-aalala niya hindi lang para rito kundi para na rin sa nasasaktang magulang. Umiyak siya magdamag dahil doon kaya naman namumugto ang kanyang mga mata kinabukasan.
Nang tanungin siya ng ama ay nagdahilan siyang dahil iyon sa binasang libro. Ang kuya Jake naman niya ay alam niyang nakikinig lang ngunit hindi nagsasalita.
Kilala siya nito na hindi iyakin. Kaya alam niyang alam nito na dahil sa pag-uusap nila kagabi kaya siya umiyak.
Nauna na siyang pumasok. Ayaw niyang makasabay ang kapatid.
Hindi niya maitaas ang tingin nang sumakay sa jeep kaya naman hindi niya napansin ang isang pares ng mata na nakatingin sa kanya.
Hanggang sa makababa ay hindi pa rin niya itinataas ang tingin. Nahihiya siyang may makakita sa kanya. Nais niyang magdahilan para lumiban sa klase ngayon ngunit nanghinayang naman siya.
"Are you okay?" nagulat pa siya nang may magsalita sa tabi niya. Napanganga pa siya nang makitang si Harry iyon.
"Ha?"
May itinuro ito sa harapan niya at nang sundan niya iyon ay nanlaki ang mata niya nang makitang konting-konti na lang ay babangga na siya sa isang kongkretong poste.
"Ah..."
"Your eyes." Itinuro ng lalaki ang kanyang mga mata.
"Ah... ano..."
"It's okay. Hindi mo kailangang magsabi. Just be careful." Iyon lang at naglakad na muli si Harry.
"Harry!" tawag niya rito at nagmamadaling sumunod sa lalaki. "Salamat."
Tumango lang ito at muling lumakad. Napansin niyang bumagal na ang mga hakbang nito.
"May kapatid ka ba?" naisipan niyang itanong dito.
"Wala," maiksi nitong sagot.
"Ahhh..." hindi niya alam kung magpapatuloy pa siya dahil hindi naman ito nagtanong kung bakit siya nagtanong ng ganoon dito.
"Is there a problem?"
Nagulat pa siya nang muli itong magsalita.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad na sumagot. "'Yung kuya 'ko kasi. Parang nagbago. Hindi na siya iyong katulad ng dati."
Hindi ito nagsalita pero ipinakita nitong nakikinig ito sa kanya kaya naman tuloy-tuloy na siyang nagkwento rito hanggang sa nasa loob na sila ng silid-aralan nila.
"Sorry ha? Nadamay ka pa sa pag-eemote 'ko," hingi niya ng paumanhin kay Harry. Magkatabi na silang nakaupo sa kani-kanilang pwesto.
"You should talk to your brother more," sa wakas ay nagsalita na si Harry.
"Ha?"
"Kausapin mo pa siya at makinig. Mas mabuti iyong alam niyang may nakahandang makinig sa kanya. Try harder."
Iyon na yata ang pinakamahabang nasabi ni Harry magmula nang dumating ito. Maganda na ang boses nito ay magaling pa itong magsalita.
Nakatingin lang siya rito at tumango matapos nito iyong sabihin. Nang mapansin naman iyon ay kunot ang noong tumingin din ito sa kanya.
"Why?"
"Ano?"
"Bakit ganyang ka makatingin?" tanong nito sa kanya.
"Ha? Wala! Natutuwa lang ako, iyon na yata ang pinakamahaba mong nasabi mula nang dumating ka," biro niya rito.
"What?" Kitang-kita niya nang pigilan nito ang ngiti at iniwas ang mga mata sa kanya.
Hala! Parang may tumambol sa puso niya dahil doon!
*****
Napalingon si Jasmin nang may marinig na tawanan sa isang sulok ng kanilang school. Liblib na parte na iyon ng kanilang paaralan kaya nagtaka siya nang marinig iyon. Galing siya sa library matapos utusan ng kanilang teacher para kumuha ng libro na gagamitin nito. Breaktime nila iyon at pagkatapos nilang kumain ni Amy ay sinunod sinunod na niya ang inihabili ng guro nila. Papunta na siya sa faculty room noon.
Hindi na sana niya iyon papansinin ngunit narinig niya ang pangalang "Harry".
"Ano, Senyorito Harry, bakit hindi mo sagutin ang tanong ni Nilo?"
"Nilo? Harry? Nagkataon lang ba iyon?" tanong niya sa isip.
Tila may nagtutalak sa kanya na puntahan ang bahaging iyon para malaman niya kung tama ba ang hinala niya kahit pa may nagwa-warning sa kanyang utak na delikado ang kanyang gagawin.
At nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Harry nga ang "Harry" na tinawag kanina ng isa sa grupong iyon na tiyak niyang narinig niyang nagtatawanan. At naroon din si Nilo!
At base sa kanyang nakikita, pinagtitripan ng mga ito si Harry na nakayuko lang doon.
"Ano-"
"Harry!"
Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang mga naroon, maging si Harry.
"Pare, si Jasmin!" narinig niyang sabi ng isa sa grupo ni Nilo.
"Harry, hinahanap ka na ni Ms. Ignacio. Kanina ka pa niya hinihintay, nandito ka lang pala!" pagdadahilan niya.
Alam niyang alam ni Harry na gawa-gawa lang niya iyon. At siguro naman ay alam na nito kung bakit.
"Jasmin, ikaw pala," bati sa kanya ni Nilo.
"Harry, tara na!" Hindi niya pinansin si Nilo at tinawag muli si Harry. Tumingin ito sa kanya bago daha-dahang naglakad papunta sa gawi niya.
Hindi na nagsalita pa sila Nilo at hinayaan lang na makalayo roon si Harry. Hindi na siya lumingon pa at mabilis na hinawakan ang isang kamay ni Harry at nagmamadaling hinila ito paalis doon.
"Bilisan mo, baka sumunod pa sila," mahina niyang sabi kay Harry.
Nang makalayo ay hinihingal na binalingan niya si Harry. "Ano bang ginagawa mo roon?"
Hindi ito sumagot at napatingin lang sa kamay nito na hawak-hawak pa pala niya.
Napapahiyang binitiwan niya ito. "Ay! Sorry!"
"Salamat," mahinang-mahinag sabi ni Harry.
"Okay lang! Bakit ka ba naroon?" tanong niya rito.
"Dinala nila ako roon," sagot naman nito.
"Bakit?"
Nagkibit-balikat lang si Harry.
Hindi na siya nag-usisa pa kahit na malakas ang kutob niya kung bakit. Inaya na niya si Harry at sabay na silang bumalik sa classroom nila.
Alam niyang nagtataka ito pero hindi naman nagsalita.