Prologue
"Sawang-sawa na ako Penelope! Lahat ibinigay ko na sa'yo pero paulit ulit mong dinudurog ang puso ko" bulaslas ng aking Ama na napa upo na lang marahil sa sakit na nadarama.
"Simula pa lang ay alam mong siya na ang aking minamahal. Napilitan lang akong magpakasal sa'yo!" sagot ng aking Ina na siyang nakapag padurog ng aking puso.
Agad akong binalot ng takot. Nanginginig ang mga binti at sumasakit ang dibdib. Napa upo na lang ako sa lapag.
Sa murang edad ay nasaksihan ko na ang pagbabangayan nila dahil sa lalaki ni Mama. Nasanay na nga ako sapagkat sa loob ng labing pitong taon ng aking buhay ay laging iyon ang kanilang pinagtatalunan.
Sumabay pa ang unti-unting pagbagsak ng aming negosyo na matagal itinaguyod ni Papa. Kaya ganoon na lang ang awa ko sa kaniya,tila pasan ni niya ang mundo.
"Calli anak,pagpasensiya na at hanggang ngayon ganito pa rin kami ng Mama mo. Ginagawa ko naman ang lahat para maayos ang pamilya natin" pinunasan niya ang kaniyang luha."Siya nga pala,na ayos ko na ang mga papeles mo. Ipapasa ko nalang bukas sa school na lilipatan mo." Sambit niya habang hinahagod ang aking likuran.
"Pa please don't do this to me"tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya "ayaw ko po dito sa probinsya,gusto ko sa Manila. Andoon ang mga kaibigan ko"
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga kaibigan ko na maiiwan sa Manila. Malulungkot sigurado sila Julia,Aila,Humpbrey,Jake at Prince.
"Anak pasensya na ha, hindi ko pa kayang bayaran ang tuition fee mo sa Manila,hindi tulad rito na libre lang. Alam mo naman na bumagsak na ang negosyo natin. Promise ni Papa 'pag nakabangon na ang negosyo ay ililipat na ulit kita sa Manila. Make this a challenge baby,willing ka naman tumulong kay Papa 'di ba?" paliwanag niya habang nakangiti bagamat malungkot ang namumugtong mga mata.
Napairap na lang ako habang nakangiti. He really knows me well. Alam niyang hindi ko siya matitiis.
Daddy's girl ako since then,malayo ang loob ko sa sariling Ina sapagkat wala siyang ibang ginawa kundi saktan si Papa. Bukod roon ay kailan man ay hindi siya naging Ina sa akin,laging mainit ang ulo niya sa akin o 'di kaya'y binabalewa ako.
Sa aking paningin ay malapit sa perpekto si Papa. Matangkad,matangos ang ilong,moreno, at may magagandang mata dagdag pa d'yan ang makisig na pangangatawan kahit may katandaan na. Bonus na lamang yata ang kabaitang taglay niya.
Kaya hindi ko lubos na maisip kung anong ayaw ni Mama sa kaniya. Marahil kaming dalawa ni Papa ang nakahadlang sa pag iibigan nila ng kaniyang tunay na minamahal.
Oo,bunga lamang ako ng isang pagkakamali. Hindi na mahalaga sa akin iyon, matagal ko nang tinanggap. Ang hindi ko lamang matanggap ay ang pagtataksil ni Mama kasama ang lalaking tunay niyang minamahal kahit may kaniya-kaniya na silang pamilya.
Dalawang pamilya ang dehado rito. I can't imagine that one other family is miserable like our family. Nobody deserves this kind of situation.
Nang tignan ko si Papa na nakaupo at nakailang buntong hininga ay parang dinudurog ang aking puso.
"Pa,water" abot ko sa kaniya ng isang basong tubig.
"Salamat anak" sambit niya bago lagukin ang tubig na ibinigay ko.
Patuloy ang pang babalewala sa kaniya ni Mama gayong wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ito.
Life is so unfair. He doesn't deserve this.
Pare-parehas lamang kaming nahihirapan sa sitwasyon na'to.
Pinayuhan na si Papa noon ng mga tito ko na hiwalayan na si papa pero pinalalaban pa rin niya ang pagmamahal niya.
Sinabi ko rin sa kaniya na ayos lang sa akin, malaki na rin ako at alam ko na kung anong makakabuti sa pamilyang ito. Kahit ganoon ay tumanggi pa rin siya dahil sa sobrang pagmamahal sa aking Ina.
Sa murang edad ay natuto akong mag isip ng hindi angkop sa aking edad. Marahio sa mga pinagdaanan sa buhay.
Ganoon yata talaga,walang pinipili ang buhay. Bata o matanda p'wedeng nakaranas nang mga pangyayaring hindi mo akalain na kakayanin mo dahil nakatuon ang iyong paningin sa kung anong alam mong kaya mo.
Hindi ganoon ang buhay, hindi dahil bata ka ay mas madali ang iyong pagdadaanan kaysa nakatatanda. Ang mahalaga ay hindi ka bibigyan nang Diyos ng mga pagsubok na hindi mo kaya.
God doesn't give the hardest battles to his toughest soldiers, he creates the toughest soldiers through life's hardest battles.
"Pa get some rest, aakyat na po ako sa taas" mahinahon kong sabi.
"Go anak, okay lang si Papa"
Tumabingi ang ulo ko upang tignan kung ayos lang ba talaga siya. Bago ako tuluyang umakyat at pumasok sa aking bagong kwarto. Kulay puti lang ito,balak ko ito palitan ng kulay black lahat.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama.
"Hayyy!" isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan.
Tumulo na ang mga likido sa aking mata na kanina pa nagbabadyang bumagsak.
"'Pag ako naka pamilya, hinding hindi ko ito ipararanas sa magiging anak ko" matalim na sabi ko sa sarili.
Mula pagkabata ko ay wala akong ibang hiniling kundi ang masaya at kumpletong pamilya.
Nag iisang anak na nga ako ay hindi pa rin matuunan ng pansin.
Kaya minsan napapa isip ako kung ganoon ba kahalaga ang kabit ni Mama para saktan niya kami na sarili niyang pamilya?
Buhat noon ay hindi ko naisip kilalanin ang lalaking dahilan kung bakit nagka ganito ang aking pamilya.
At hindi ko na gugustuhin pang makilala.