Marco point of view “Sana umpisa pa lang sinabi mo na, sana sinumbatan mo na lang ako. Para masabi ko kung ano man ang totoo, hindi sa ganito Marga, f**k! Ano ba ang kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin to? Minahal lang naman kita. Mahal na mahal kita pero bakit ganito?” Umiiyak na sigaw ko at pinag susuntok ang pinto ng simbahan. Wala na akong pakialam kahit madurog ang kamay ko dahil mas nadudurog ang puso ko. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko. “Bro, tama na.” Lumapit sa akin si Jd para pigilan ako pero winaksi ko ang mga kamay niya na naka hawak sa braso ko. “Wag niyo akong hawakan!” Galit na sigaw ko sa kanila. “Ikakasaya ba ni Marga pag nalaman niyang patay na ako ha? Alam niyo naman na hindi ko plano na buntisin ni Xander ang babaeng binayaran ko. Gusto ko lang naman siya

