Marco point of view. Kinakabahan at hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang pagdating ng aking bride na si Marga. Nakatayo ako ngayon sa harap ng altar at hinihintay na lang ang pag marcha niya papunta sa akin. Excitement, kaba, saya ang nararamdaman ko. Basta hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga dahil nag halohalo na sila sa loob ko. 9 am ang kasal natin at 8:45 na. Kinse minutos na lang ay mag umpisa na ang kasal namin dalawa kaya mas lalo akong kinabahan. “Relax, bro parating na yun.” Tinapik ako ni Jd sa balikat. Halos magkasabay lang kaming dumating kanina dito sa simbahan. Nang tanungin ko siya kung nakahanda na ba si Marga ang sinagot lang niya ay hindi niya sigurado dahil hindi na daw siya pumasok sa kwarto ng kapatid niya at Nauna na silang mag asawa dito dahil may aasik

