“Nasa hospital kami ngayon iha, nag baril sa ulo si Xander dahil hindi niya kayang makita ka na magpapakasal bukas sa iba.” Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni tita kasabay ng pagtulo ng aking luha sa mata. Nanghihina na napaupo ako sa kama habang nanginginig ang katawan ko. “Pero p-paano–” “ Please iha, puntahan mo kami dito at baka hindi mo na maabutan pa si Xander ng buhay. Alam ko na kasal mo na bukas pero kahit ngayon lang iha, siya naman ang unahin mo. Mahal na mahal ka ng anak ko at handa siyang kitilin ang buhay niya para lang sayo.” Anito sa akin habang palakas na palakas ang hikbi. “Tita –” “Nasa critical na condition siya ngayon at hindi pa alam ng doctor kung mabubuhay pa ba siya dahil sa nakabaon na bala sa utak niya.” Napasinghap ako sa sinabi sa akin ni tita. Nakap

