Chapter 28: Her biological mother NILALARO-LARO ng katabi kong lalaki ang mga daliri ko na bumabaon na sa likod ng palad niya. Sa kabila ng galante niyang kasuotan, sa magandangpag-aayos, make-up sa mukha niya at sa expensive na jewelries ay alam kong iisang tao lang sila sa taong kilala ko. Alam kong siya... Siya na nga ang babaeng nang-iwan sa akin. Parang gusto kong umiyak pero ayokong ipakita iyon sa kanila. Magtataka lang sila na kung bakit nga ba ako iiyak? Na kung bakit ay bigla akong nag-breakdown sa harapan nila ng walang dahilan? Sa halip ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ko at ang pagkirot sa dibdib ko ay napalitan na iyon agad ng galit, pagtatampo at kasabikan. “S-Siya pala ang tinutukoy niyong kasama niyo, Blaise?” tanong nito at nagbaba na ako nang tingin dahil sa mapan

