Chapter 29: The Truth “A-ANO kasi... K-Kamukha niya kasi ang l-late m-mother ko,” nauutal na sagot ko at mariin ko pang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagsisinungaling ko. Mas mabuting magsinungaling na lamang ako kaysa sabihin sa kanya ang totoo. Wala namang nakaaalam at wala rin akong balak na lapitan pa ang mama ko kahit ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon. Mga katanungan na imposible na ring masagot pa. Kasi hindi ko na siya susubukan pang kausapin, na kahit ang lapitan pa. Baka may masira pa akong pamilya at mukhang maganda pa naman ang relasyon nila. Hindi ko naman siya kailangan pa. Kontento na ako sa buhay ko ngayon dahil kayang-kaya ko nang mabuhay ng mag-isa. Ngunit inaamin ko na may mga pagkakataon pa rin na naaalala ko siya. Na kung kumusta ba siya? O

