Chapter 45: Face off & Half brothers GULONG-GULO ako sa totoo lang. Bakit nandito ang aking ina at bakit umiiyak siya habang mataman ako nitong tinitingnan? Ano’ng emosyon ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya? Iyong klaseng tingin na dati kong nakikita noong bata pa lamang ako. “A-Ang baby ko. . .” Nang hinawakan niya ang mukha ko ay muntik na siyang ma-out balance. Mabilis ko siyang hinawakan sa magkabilang braso niya at nakaalalay naman mula sa likuran niya ang asawa niya. Curious na curious ako kung ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ganito siya sa harapan ko at bakit niya ako tinawag na baby? Umayos ulit mula sa pagkakatayo niya ang mama ko at itinapon ang sarili niya para lang mayakap ako. Nagtatakang tumingin ako kay Milkaine na tumango lang siya at ngumiti. Kung ganoon. . .

