Chapter 46: Four weeks pregnant NASAGOT ko na nga ang tanong ko dati na kung ano naman ang koneksyon ko kay Froland. Anak siya ng mama ko pero hindi ako sigurado kung kapatid ko ba siya. Ngayon naintindihan ko na, nabigyan na ako ng kasagutan sa mga gumugulo noon sa akin. Si Frelando ay kapatid ko lang siya sa ama at iba ang kaniyang ina. Hindi iyon si mama. Pero nagulat ako sa rebelasyon na nalaman ko. Nagawa akong ilayo ng sarili kong ama kay mama at umabot iyon ng tatlong taon? Alam niyang may anak ito pero ni minsan kaya ay sinubukan niya akong hanapin? “Froyee, anak. . .” tawag ni mama sa pangalan ko. Tipid akong ngumiti. “S-Sorry po kung hindi ko na sinubukan pang lapitan ka, dahil ayokong manggulo sa pamilyang mayroon ka, Mama,” emosyonal na sabi ko at ilang beses siyang umilin

