Chapter 47: Reunited NAGBIGAY ng advice ang OBY ko at reseta para sa vitamins ko. Kinuha iyon ni Milkaine dahil siya na raw ang bibili ng mga gamot. Ang suwerte ko nga sa lalaking ito dahil sobrang bait niya at maalaga talaga siya. Siya rin ang unang lalaki na tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging stripper ko. That’s why, he deserves to be loved. Humingi naman ng time ang asawa ni mama para lang kausapin ako. Nagtungo kami sa hardin at sinenyasan niya akong umupo sa swing kaya iyon ang ginawa ko. Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. To be honest ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin o kung ano ang magiging pagtrato ko sa kaniya. Nahihiya ako. Nahihiya talaga ako sa kaniya at nararamdaman kong may kung ano’ng pagtatampo sa dibdib ko. Maingat niyang itinulak ang sw

