Chapter 48: Welcome home NGAYONG araw ay susunduin na ako ng family ko at kanina pa hindi mapakali ang boyfriend ko. Siya ang nag-impake ng mga bagahe ko kanina. Sa kaniya ay kaunti lang, tapos isiniksik pa niya sa maleta ko. Hindi na nga siya pumasok pa sa hotel para lang talaga makasama siya sa mansion ng parents ko. Kanina pa nga rin siya pinagtatawanan ng kapatid niyang si Blaixe kasi hindi siya mapakali. “Do you know how to fight, right son?” naaaliw na tanong ni Sir Jaive sa anak niya at umasim ang mukha nito. “Iniisip po ninyo na makikipag-wristling sa akin ang mga Monteverde na iyon, Dad?” hindi makapaniwalang tanong ni Milkaine. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay at agad kong nakuha ang atensyon niya. Ngumiti siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Nasa living room kamin

