Chapter 37: Abducted KATULAD nang sinabi ko ay nagising ako na masakit na ang buong katawan ko at higit na ang p********e ko. Nang salatin ko iyon ay mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mahapdi at namamaga nga siya. Wala na siya sa kama at ako na lang ang naiwan na balot na balot ng kumot. Suot ko ang puting longsleeve niya pero wala naman akong undies. Nang sipatin ko ang digital clock niya sa bedside table ay 10:09 na ng umaga. Napailing ako at hinagod ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Dahan-dahan na akong bumangon at hindi ko na inalintana pa ang pananakit ng buong katawan ko. Kahit ang hita ko ay masakit din. Inabot ko ang ballpen sa bedside table at inikot ko ito sa buhok ko. May nalaglag pa rin na hibla ng buhok ko pero ayos na rin iyon. Lumabas ako at tinungo an

