Chapter 38: Disappear MILKAINE’S POV INIWAN ko lang saglit si Froyee sa basement. Nasa sasakyan ko naman siya at wala namang mangyayari sa kanya na hindi maganda. My girl knows how to fight kaya kampante ako na iwan din siya roon. Mas marunong pa ngang makipaglaban iyon kaysa sa akin. Kailangan ko lang talagang balikan ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang tawag ng nakababatang kapatid ko na si Gladysse. Habang nasa penthouse ko si Froyee ay tinanong ko si Gladysse kung may nalalaman ba siya tungkol sa nakaraan ni Froyee at alam ko naman na hindi maganda kapag nanghimasok ako pero may mga bagay akong napapansin about her. I want to help her kahit hindi niya hinihingi iyon. Lalo na roon sa Monteverde family. Doon nagbago ang mood ni Froyee nang makita niya ang mother-in-law ni Ate R

