Chapter 39: Revelation “WALA po riyan sa bahay si Froyee, Mom?” tanong ko sa aking ina. Kahit imposible na uuwi agad ang girlfriend ko nang hindi ako kasama. I told her to wait. “Wala. Ano ba talaga ang nangyari, son? I thought magkasama kayo ni Froyee? Sabi mo rin na girlfriend mo na siya?” my mother asked. “We still looking for her, Mom. Sabay po sana kaming uuwi ni Froyee dahil sabi mo rin po ay ma-n-notice mo na siya pero...” I sighed. “I’ll call you later, Mom. May i-c-check lang po kami,” paalam ko. “Okay. Tumawag ka kapag nakita mo na siya or kung umuwi na rin siya sa house natin ay ako ang tatawag sa ’yo,” she said. “Okay po.” Nasa CCTV operating room kami at tinitingnan nila ang nangyari sa parking lot noong umalis ako para kunin ang cellphone ko. Inisa-isa pa nila itong han

