Chapter 33: Contraceptive pills “I DON’T know... P-Parang gusto ko lang yakapin ka... Actually... N-Noong birthday ko pa ay gusto na kitang lapitan... I just want to hug you, hija...” sambit niya. Ako ang nag-aalangan. Paano kung nakilala niya ako tapos nagpapanggap lang siya? Na sinasabi niya lang ito para yakapin niya ako at guilty lang siya. But I want to hug her too... “Sige po,” sabi ko. Si Rishi ay mukhang naintindihan ang pinag-uusapan namin dahil dumistansya agad siya pero hinalikan pa siya nito sa pisngi niya bago ako nilapitan. I don’t know what to do. Tatayo ba ako o ano? Or uupo na lamang ako rito at hihintayin siya— Natigilan ako nang umupo siya sa left side ko at niyakap niya ako nang patagilid lang. Naramdaman ko agad ang pag-alog ng mga balikat niya at pinipigilan na rin

