Chapter 34: Expiration SA MANSION ng Rousville family ay hindi ko maiwasan ang titigan si Milkaine. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin at sa biglaan niyang pag-confess while... Pero kasi si Yeebi ako at that time. Kaya paano naman niya nasabi na mahal niya ako? Pero ngayon ay kasabay ko silang kumakain ng breakfast at mukhang wala naman iyon sa kanya. Na parang hindi siya nagdududa. “May maipakilala ka na ba sa amin na girlfriend mo, Blaixe?” tanong ni Sir Jaive sa pangatlo niyang anak. Tiningnan ko naman ang reaction nito. Nakasuot na sila ng office attire nila. Si Ma’am Blaise nga ay naka-formal dress na. May hotel din siya pero hindi iyon naging rival sa hotel na hinahawakan ngayon ni Milkaine. Galing din sa mayaman na pamilya ang mommy niya at nag-iisang anak din ito ng pamilya

