Chapter 42: Found her MILKAINE’s POV NOONG bumibiyahe na kami patungo sa Japan ay wala pa akong tulog dahil sa excitement na nararamdaman ko. Because I expected to see my girlfriend when we reached our destination pero pagdating nga namin ay tinangay ng hangin ang excitement na iyon. Mas tumindi ang nararamdaman kong pag-aalala kay Froyee. Dahil nang matunton namin ang dating bahay na napag-alaman namin na isang bar na rin pala ito at lihim ang pamamalakad na tanging mga VIP lamang daw ang nakapapasok. Wala ng tao sa loob maski ang mga gamit nila. Ang naiwan na lamang ay ang mga sirang kagamitan. Malaki naman ang lugar na ito. Malakas na sinipa iyon ni Kuya Frelando at nagulat pa ang kasama namin. “Nalaman yata nila na may naghahanap kay Froyee?” tanong ng kapatid kong si Blaixe at is

