Chapter 43: Found her pregnancy MILKAINE’S POV MAS binilisan nila ang kotse dahil kaunti na lang daw ay maaabutan na namin ang mga sasakyan na hinahabol namin. Lumiko ito pakanan at mukhang lalayo na nga sa City. Wala ng sasakyan ang nagtutungo sa parteng ito. Hindi ako pamilyar sa bansang ito pero si Kuya Frelando ang nag-lead sa driver niya. Siya yata ang pamilyar sa lugar na ito. “Checkmate,” Gladysse uttered. Tatlong sasakyan kami, kasama ko ang dalawang kapatid ko at ang isang bodyguard nila. Humarang nga kami sa van at truck na nasa tapat namin. Mabilis kaming umibis at nagsisimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Sana nga ay nandiyan na si Froyee. God, mahanap na namin sana siya. Nagsalita pa ng Japanese ang mga taong iyon kaya sumagot si Froland, “Please speak English,

