I still like it, though. I still like it, though. I still like it, though. Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa at napatayo. Tatlong beses akong huminga nang malalim saka humalukipkip. What was I thinking? Nababaliw na ako. Ilang linggo ko na nang lumipas iyon pero puro iyon na lang ang rumerehistro sa'kin. Hindi na ako makapagtrabaho nang maayos dahil wala na ang peace of mind ko! Kinuha niya ba? Bakit niya ba kasi sinabi 'yon? Alam niya namang mahina ako at tiyak na magugulo agad ako dahil sa apat na salitang 'yon. I didn't get his point! Pinapahirapan niya ba ako? O ano? Hinilot ko ang sintido ko at lumabas ng office. Kailangan ko munang i-relax ang isip ko tutal ay lunch pa naman. Isang oras at kalahati rin ang lunch break ko kaya pwede muna akong maggala sa mall para mawal

