"Let's be friends." He smiled at me. What the hell? What a pain... "F-Friends?" Nalilito kong tanong. Napasandal na lang ulit ako sa upuan at pinigilan ang paghinga nang malalim. "Yeah. Ayaw mo ba?" Tiningnan ko siya. Nakangiti pa rin siya sa'kin. Was he genuine? I don't know. Anong iniisip niya? "I don't mind. Okay lang naman." I timidly smiled. Sa ngayon, iyon muna ang choice ko na isagot. Hindi ko pwedeng i-refuse ang tanong niya na 'yon. Katulad ng nangyari sa'min ni Fin, baka isipin niya ring hindi pa ako nakakamove on at hindi pa ako handang harapin siya. Gano'n ba siya mag-isip? Hindi naman. Peo bakit niya ako tinatanong ng ganito ngayon? Gusto niya ba ng closure sa pagitan namin sa lahat ng nangyari nitong nakaraang anim at tatlong taon? Alam niya naman 'yong nangyari sa

