(Chardice’s POV) Pagpasok ko sa loob ay hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa may pintuan dahil sa nakita ko, ngayon pa lang ako namangha ulit sa night sky matapos kong magkaroon ng phobia. Talagang napakaganda ng theme na napili nila para sa akin. Para akong nasa milky way ngayon, para akong nasa kalawakan sa ibang dimensyon. I hate dark since then, I hate night pero nakakamangha talaga ito. Sa sobrang ganda nito ay mapapahiling ka na lang na sana totoo na lang to. Matapos kong pagmasdan ang paligid ay saka ako naupo sa swivel chair ko at naglaro doon, pinaikot ko lang ang sarili ko saka ako tumanaw muli sa ceiling ng office, nakakapanibago talaga. Kung hindi nila ako pinabayaan noon ibig sabihin ay noon pa dapat ganito ang buhay ko. Sa labas parang simpleng forest lang it

