bc

Curse of Death

book_age16+
354
FOLLOW
1.3K
READ
revenge
dark
possessive
playboy
badgirl
kickass heroine
bxg
mystery
icy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Xion always wanted to avenge her real family for her miseries all her life. She always blames them for abandoning her that causes so much pain in her heart. She invested her youth working to feed herself and to train so hard to gain strength and to save herself from her enemies. Every day she lives most of her life training so hard and getting ready for that day to come.

As she turned 17, Xion also started making her real family’s life miserable, this is the days she waited too long. But it turned out to be the other way around as her time goes by with them. She started missing them so badly and she started feeling bad for not coming back to them. What will she do now? Will, she fulfills her mission or just come back home?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
(Chardice’s POV)       Hindi ko talaga maintindihan ang problema ng mga taong ito. Bakit kaya kung makatingin sila akala mo naman nakakita sila ng multo? Napapailing na lamang ako sa isiping iyon saka ko naalala na suot ko nga pala ang disguise ko, kaya naman pala. Kapag talaga pangit sa paningin nila kung makatingin sila akala mo ang gaganda na nila. Naku! Makaalis na nga lang.   Sumakay na lang agad ako sa kotse ko paglapit ko doon pagkalabas ko sa mall matapos kong mamili ng mga gamit ko. Kahit naman pangit ako sa paningin ng iba ay may kotse din ako at nakakapamili sa mall no, akala siguro ng iba porke pangit wala ng karapatan sa mundong ibabaw.Teka nga ano ba tong mga sinasabi ko?   Nagsimula na lang akong magmaneho habang napapailing pa ako. Tinanggal ko na lang ang makapal kong salamin para mas maayos akong makapag-maneho, kahit mainit ang bago kong disguise ngayon ay kaylangan kong magtiis, sinasanay ko na kasi ang sarili ko sa bagong disguise ko na ito.   Sa totoo lang ay mas gusto ko pa nga ito kesa sa dati kong ayos, kung anu-anong gimik na din kasi ang nagawa ko para lang makapagtago at hindi pwedeng pare-pareho lang palagi ang hitsura ko. Hindi ko nga din alam kung bakit naiisip ko pang mag-disguise e wala namang makakakilala sa akin basta basta, pero sanay na kasi ako sa ganito kaya okay lang din naman.   Anyway, ako nga pala si Chardice Perez, hindi iyan ang totoo kong pangalan at ilang taong pinagkakatiwalaan ko lamang ang nakakakilala sa totoo kong pangalan pero mas madalas akong kilala bilang Chardice. Malalaman niyo rin kung bakit ako nagtatago at kung bakit may iba akong pangalan, pero sa ngayon ay wag na muna.   Napakamot na lang ako sa ulo ko ng maipit ako sa traffic habang nasa gitna ng byahe, malayo pa ang biyahe ko at mukang hindi nakikisama ang traffic na ito, I should be there by now. Napakunot lalo ang noo ko saka ako napalingon sa kaliwa ko ng maya maya ay nakarinig ako ng sunod sunod na pagbusina at tila lalong nagulo ang mga sasakyan sa kalsada. Ano kaya iyon? May aksidente ba? Emergency? What the hell? Bakit naman ngayon pa?   Nagkarambola agad ang mga sasakyan sa pagtabi habang patuloy ang maingay na pagbusina, maya maya lang ay natanaw ko narin ang dahilan kung bakit nagkakagulo sila at mukang wala naman sa mga naisip kong dahilan ang kaguluhang iyon. Wait? Bingo! I hurriedly started my engine again and smirk habang nagaabang ng tamang tyempo, I'm sorry to say pero nagmamadali talaga ako. I keep on looking at those cars and notice one thing kaya mabilis ko ding ibinaba ang hood ng lamborgini ko na katulad ng mga sasakyan ng mga iyon saka ako sumabay sa kanila ng dumaan sila sa tagiliran ko. Binilisan ko din lalo ang paghabol sa walong kotseng naguunahan sa pag- arangkada. Kalokohan ang ganitong eksena pero ang boring din naman kapag naiipit sa traffic, ang isa pa ay nagmamadali din ako.   Matapos kong makahabol sa kanila ay saka ko nilampasan ang nahuhuling pulang sasakyan sa kanila, I even heard him yelled saka siya bumusina pero hindi ko siya pinansin at isinunod ko na lang rin na lampasan ang kulay golden yellow na kotse na ganoon din ang reaksyon sa naunang sasakyan na nilampasan ko, idol niya for sure si bumble bee ng transformers.   After them ay nilampasan ko narin ang matte green na sasakyan ng magkaroon ako ng pagkakataon saka ko isinunod ang sasakyan na dark blue at ang cream white. Teka nga uso ba ang color coding sa kanila? May matte orange pa kasi at tamarind.   Matapos kong malampasan ang ibang sasakyan ay nilapitan ko narin at tinapatan ang may kulay itim na sasakyan na alam kong napatingin din sa akin and I'm using gray car na tila nakipag-blend in sa mga sasakyan nila, cool.   Matagal ko siyang sinabayan bago ko siya unahan dahil naramdaman ko na rin ang gutom at isa pa ay inaantok na rin ako, ng malampasan ko sila ay saka ko naman sila kinawayan para magpaalam, better luck next time na lang sa kanila at pasasalamat ko narin sa kanila iyon dahil nakatakas ako sa traffic. Pft. Napangisi na lang din ako ng makalayo ako sa kanila, ayos to makakarating agad ako nito sa pupuntahan ko, malayo kasi talaga ang lugar na iyon.   Ilang oras pa ang lumipas ay narating ko na nga ang pakay ko, at totoo ngang gate pa lang nito ay nakakalula na sa laki nito. I just sigh saka ako tumuloy sa loob ng buksan ng guard ang gate. Ang pagpasok ko dito ay nangangahulugang wala ng atrasan, nangangahulugan din ito na handa na akong dito mamatay anytime kung hindi ako makaka-survive. Dito na magbabago at totoong magsisimula ang lahat ng dapat kong gawin at ngayon na nandito na ako ay hinding hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat para mahanap sila at mapagbayad sila sa mga kasalanan nila sa akin.   Dumiretso lang ako sa parking lot at nag-park doon para ayusin ang mga dapat kong gawin. Bumaba na ako matapos kong mag-park ng sasakyan at saka ako nagsimulang tahakin ang daan papunta sa pakay ko, sa laki ng school na ito ay mahaba-habang lakaran pa rin ang tinahak ko bago ako makarating sa deans office.   Kung tutuusin ay ang laki talaga masyado ng school na ito, sa sobrang laki niya ay mas muka pa itong gubat kaysa school, mas marami kasing puno at halaman ang school kaysa sa mga establisyimento, pero presko ang lugar at maganda, espesyal na espesyal ito at makikita talaga ang karangyaan, pakiramdam ko nga ay palaging late ang mga estudyante dito sa pagpasok dahil napakalaki ng school, exaggerated na para sa akin ang laki nito kumpara sa iba.   Isa pa ayon sa mga nakalap kong impormasyon meron laman liman libong estudyante ang paaralang ito, at pinananatili lang nila na nasa ganoon ang bilang ng mag-aaral dahil nasa policy ng school na bawal sumobra sa itinakdang bilang ang mga magaaral dito at bawal din na magkulang.   And the only way to be part of this school is death, if someone from them died pumipili sila agad ng mga karapatdapat na ipapalit sa mga nawala, pero kung gusto mong patayin ang isa sa kanila to secure a slot at ninanais mo na ikaw ang pumalit sa mga nawala at kung karapat dapat ka naman malaki ang tendency na ikaw din talaga ang pumalit sa mga pinatay mo and in my case? Yes! I kill one of them to be here dahil kailangan yon para sa plano ko.   "Chardice Perez, you can come in now," someone said.   Agad din akong napatigil sa tangkang pagkatok ko sana sa pinto ng Deans office dahil sa narinig ko sa speaker na nasa itaas ng pintuan ng office niya. Mangkukulam siguro siya kaya niya nalaman na nandito na ako, at nakakagulat din na kilala niya ako. Pumasok na lang agad ako sa loob at pagpasok ko ay nakita kong nakatalikod lang ang swivel chair nya sa akin at nakaharap iyon sa bintana. At ayon sa nakikita ko sa table niya babae nga talaga siya.   "How nice to see the first girl, who dares to enter this all-boys school," she said and she then faces me.   Shin haze Steinckert the Dean. Ang bata niya pa para mamahala ng ganitong school at maging Dean, sabagay ganyan talaga ang mga mayayaman. Sobrang ganda rin niya na lalong nagbibigay ng nakakatakot sa imahe sa kanya, her face is so emotionless pero nangingibabaw parin ang kagandahan niyang iyon. The way she talk ay mahahalata mo talagang sopistikada at halatang may pinag-aralan, the way she dress ay talagang makikita mong elegante at may otoridad iyon , and the way she look at you ay para talagang malalim at parang nasa hukay na.   "Of course just kidding, it's a pleasure having the first girl who passed the exam after five years," muli niyang sabi sa akin saka siya ngumisi.   "I need my schedule and my dorm number," tanging sagot ko sa kanya.   Wala akong panahon na makipag-kwentuhan sa kanya, we’re not even close. She just chuckled then smirk again and then she gets a folder na nakapatong sa ibabaw ng table niya.   "That's your schedule and dorm number," muli niyang sabi.   Kinuha ko din naman agad ang iniabot niya saka ako umalis. Wala na akong kaylangan sa kanya kaya hindi ko na kailangan na magtagal pa doon. Dumiretso na lang din agad ako sa kotse ko at sumakay doon saka ako pumunta sa dorm ko.   "So ikaw pala ang only girl na sinasabi nila? Sikat na sikat ka na bata," mayamaya ay sabi ng hindi pamilyar na tinig sa akin.   Napalingon agad ako sa likuran ko dahil doon nanggaling ang boses ng nagsalita, at doon ko din nakita ang isang hindi pamilyar na lalaki na sa tingin ko ay tauhan din dito sa school base narin sa kasuotan niya.   "Call me Kier, ako ang namamahala sa mga dorm dito, and since ikaw lang naman ang nagiisang babae dito sa school na ito, dito ka rin tutuloy sa isa sa mga pinaka-espesyal na dorm sa lahat.” nginisian niya pa ako matapos niyang sabihin iyon.   Tiningnan ko lang naman din naman siya at hindi ako sumagot. Siguro wala silang dorms for girls dahil wala naman talagang pumapasang babaeng mag-aaral dito.   “Paalam na Ms. Perez," pagpapaalam niya sa akin.   Pagkasabi niya noon ay agad din siyang umalis, kaya hindi ko narin binigyang pansin ang mga sinabi niya at pumasok agad ako sa loob ng dorm ko para magayos ng mga gamit ko.   Malinis narin naman ang dorm kaya wala na akong problema at masasabi kong espesyal nga ito gaya ng sabi ng lalaking iyon, sobrang ganda dito, halatang sosyal din at pang-mayaman. Palibhasa lahat ng estudyante dito ay mayayaman din at maiimpluwensya kaya hindi na talaga nakapagtataka na ganito ang school na ito.   Hindi naman talaga all boys school ang Elites Academy gaya ng sinasabi ng Dean kanina, sadya lamang talagang mahigpit sila sa mga papapasuking babae sa paaralan na ito at wala talagang makapasang babaeng mag aaral sa paaralang ito dahil doon, kakaiba din kasi ang klase ng pamamahala, pamumuno, at ang ugali ng mga tao dito.   So far after five years ako pa lang ang sumusunod sa yapak ni Haze, ang dating kaisa-isang babaeng pumasok dito sa school. Ganoon kahigpit ang paaralang ito, bago ka makapasok dito ay marami ka pang pagdaraanan, marami karing perang uubusin at buhay ang nakataya sa bawat kilos mo dito, totoong mga halang din ang kaluluwa ng mga naririto, wala silang pakialam sa kapwa nila, they judge everything with their own eyes, they put everything on their hands, mga tuso sila at wala silang pagdadalawang isip sa pagpatay.   Mayayaman sila, malalakas, maiimpluwensya, makakapangyarihan, matatalino at higit sa lahat mga walang puso. Ang pagpasok sa paaralang ito ay parang pagpasok narin sa pinto ng impyerno, dito ay talagang lilitisin ka nila at huhusgahan na parang dyos at mga santo.   I stop fixing my things when I suddenly feel a presence downstairs habang nasa kwarto ako. Dorm ko 'to ako lang dapat ang naririto, pinakiramdaman ko na lamang ng mabuti ang paligid dahil doon, nararamdaman ko ding dumarami sila kaya pinili ko na lamang na lumabas kaysa magulo pa ang kwarto ko and as I have expected lahat sila ay nakaabang na sa ibabang parte ng hagdan. Tila inaabangan na nila akong bumaba. Cool, ang cool talaga ng mga tao dito, ang cool talaga ng paaralan na ito.   "So? Ikaw pala ang babaeng naglakas loob pumasok sa paaralang ito." agad na bungad ng lider nila sa akin habang nakatingin lang din ako sa kanila habang pababa ako ng hagdan.   Agad ko silang binilang habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila, sampu sila na nandito sa harapan ko ngayon. Napangisi na lang ako sa mga tingin na ipinupukol nila sa akin, ang galing naman nilang mag-welcome.   "Tama na yan tapusin niyo na iyan para makatulog na ako," utos ng lider nila.   Itinuloy ko lang din naman ang pagbaba ko ng hagdan at isang lalaki naman mula sa kanila ang mabilis na lumapit sa akin, pagtungtong ko sa huling baitang ng hagdan ay saktong naka-abang na sa akin ang kamao niya kaya agad kong sinipa ang muka niya na dahilan para tumilapon siya at hindi na nakagalaw sa gulat ang iba pa.   “Ang susunod na gagalaw sa inyo ay mamatay na,” banta ko sa kanila na agad naman nilang ikinagulat lalo.   Agad din silang nagtakbuhan saka nila dinampot ang isa nilang kasama na napatulog ko bago tuluyang lumabas, marahil hindi nila ito inaasahan. Napailing na lang ako dahil doon saka ko isinuksok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko.   Sa totoo lang ay nakakabagot ang mga ganitong eksena, dahil sa sobrang warm ng pag-welcome nila ay nababagot lang ako lalo dahil doon. Itinuloy ko na lang ang paglakad papunta sa sala para ayusin ang mga ginulo nila at saka ko lang napansin ang papel na nakaipit sa libro na nakalagay sa ibabaw ng table malapit sa hagdan. Pagkakita ko noon ay lumapit agad ako doon para basahin ang nakasulat.     Welcome to Elites Academy. Enjoy your stay here and get ready for the surprises. - The Dean     Napangisi na lang ako sa nabasa ko saka ko nilakumos ang papel na iyon. Nice! Talagang ang warm nga nila kung mag-welcome, ibang klase talaga, Tsk. Makatulog na nga lang mas okay pa yun kaysa naman mas mabagot ako lalo.   Napabuntunghininga na lamang ako habang inaalala ang schedule ko mula ngayon hanggang sa mga susunod pang mga araw. Ang boring noon para sa akin, from Monday to Friday ang 8-11 AM ko ay academics at pagdating ng 2-4 ay may weapons lesson ako, pero depende din ang lahat sa available activities dahil hindi naman ganoon lagi ang lessons sa hapon base sa booklet na ibinigay sa akin.   Today is Monday at weapons lesson ang naka-toka sa akin ngayong hapon, pero sa Tuesday ay physical training, Wednesday is racing, then music, dance and art lesson, tapos kapag Friday ay may 1000 items quiz ako sa umaga sa lahat ng subject at sa hapon ay may battle na nakadepende sa trainers kung anong klaseng battle ang gagawin, Saturday was sports day at sa gabi ay may party para sa lahat sa gym, and then Sunday ay rest day. Isn't it boring? Mas masaya pa sana sa labas kaya lang ay hindi pwede yun sa ngayon. Pakiramdam ko nga ay mas hectic pa ang schedule dito kaysa sa ibang school.   Napabuntunghininga na lamang ako at saka ko Iwinaglit na lamang muna ang isiping iyon sa saka ako bumaba sa hagdan para makaalis na. Pagbaba ko ng hagdan ay naalala ko na naman ang mga gunggong na iyon kagabi, akala ko ba ay mahigpit sila? Simpleng bagay nga lang na katulad noon ay hindi pa nila naayos. Tsk.   Yung sampu na yon katumbas na ng isang section yun dito kung tutuusin, sa pagkakaalala ko nga ay may sampu hanggang dalawampu na magaaral dito kada section. Kaya kung may limang libong magaaral dito ibig sabihin ay may dalawang daan at limampung section lamang ang paaralang ito at kabilang na ang Elites A section doon.   Elites A Section was the most famous section here at nasa kanila ang pinakamatatalinong estudyante ng school ngayon at section A1 naman ako ng first year, pero sisiguruhin kong magiging kaklase din nila ako balang araw at malapit na iyon dahil parte parin iyon ng aking plano.   Alam kong maraming proseso pa ang dapat kong pagdaanan, alam kong hindi din madali ang lahat at ayoko ring magmadali dahil ayoko din namang mapunta ang lahat sa wala dahil lang sa pagmamadali ko, at isa pa sa ngayon dapat ay maglaro muna ako para hindi naman sila makahalata sa akin.   Nilakad ko na lamang ang papunta sa room ko dahil hindi naman ganoon kalayo iyon, isa pa ay kaylangan ko ring maging pamilyar sa school na ito kaya pinili ko ang maglakad. Tamang tama lamang din naman na pinili kong maglakad para narin makita ko ng maayos ang lahat.   Habang naglalakad ako papasok ay may naramdaman din akong nakamasid sa akin, dalawa sila sa pagkaka-alam ko, maraming mata ang nakamasid sa akin pero sila yung namumukod tanging sumusunod saan man ako magpunta. Kanina ko pa sila nararamdaman pero humahanap lang ako ng tyempo.   "Go out if you don't wanna die!" hiyaw ko na may pagbabanta sa dalawang lalaking sumusunod sa akin ng magawi ako sa lugar na wala na masyadong tao.   Mayamaya lang din naman ay may biglang sumulpot na dalawang mukang uhuging nilalang sa harapan ko, seriously? Taga dito ba talaga sila? Kasing height ko lang yung isa sa kanila pero mas malala pa yata ang hitsura niya sa hitsura ko at yung isa naman ay pandak, maayos naman siyang pumorma pero halatang lampa din siya at napaka-hinhin.   "P-patawarin mo kami, h-huwag mo kaming patayin p-pakiusap." agad na sagot noong lalaking matangkad sa akin habang nauutal-utal pa siya ng tingnan ko sila ng masama.   Itinago niya rin agad sa likod niya yung lalaking mas maliit sa kanya. To be honest, nagulat ako sa kanilang dalawa hindi ko lang kasi in-expect na may katulad nila sa ganitong klase ng school, I mean I am not being judgemental at all pero di ba parang ang weird naman? Totoo naman kasing muka silang mga lampa. Sabagay muka lang naman, hindi ko naman masasabi kung totoo iyon.   "Do I look like a killer to you? Why are you following me?" agad kong tanong sa kanila.   Kitang kita ko din na halos manginig na sa takot sa mga tingin ko pa lamang. Ngunit hindi dapat ako magpauto sa kanila, looks can be deceiving, trust is the only thing that you should not give to anyone in here.   "N-natutuwa lang kami kasi may bagong first year na kaming kasama sa section namin," sagot ni tangkad sa akin.   Alam kong natatakot siya, bakas na bakas iyon sa muka niya pero nagagawa niya pa rin namang sumagot sa akin.   Napakunot lang din naman agad ang noo ko sa sinabi niya. Ibig sabihin ay mga kaklase ko sila? Papaano nila nalaman iyon? don’t tell me na nalalaman nila agad ang ganoong mga bagay?   "And then what?" asik ko sa kanila na hindi naman na nila sinagot pa.   Nagsimula na lang din akong humakbang muli para iwan na sila doon. Kaylangan ko ding ipakita sa kanila na wala akong pakialam at hindi ako nasisindak. Hindi pa man ako nakalalayo ay agad din akong napatigil ng agad akong makakita ng mga shuriken na patungo sa direksyon ko kaya hinuli ko agad iyon gamit ang hintuturo at gitnang daliri ko.   "Nandito lang naman pala ang mga lampang 'to, teka si mangkukulam kasama nila. Ayos yan bagay na bagay kayong magkakasama." agad na sabi noong lalaking nauuna sa kanilang sampu saka sila nagtawanan.   Hindi ko naman pinansin ang sinabi nila pero nakatingin lang din ako sa kanila, kaylangan kong magingat sa kahit na sino dito dahil delikado sila at isa pa ay kilala agad nila ako at hindi ito maganda, ganito ba talaga dito? talaga ngang sikat kapag baguhan.   "Huwag ninyo ng idamay si Chardice dito, kami na lang ang pagtripan niyo," tanging sagot ni pandak sa kanila at napakunot lang ang noo ko dahil doon.   Agad din akong napatingin sa mga nasa likod ko saka sa mga nasa harapan ko, siguro noong newbie din ang dalawang to ay palagi silang napagti-tripan, ang malas lang talaga nila dahil mukang hanggang sa ngayon ay sila ang sentro ng bullying dito. Napailing na lamang ako pero lalong napakunot ang noo ko ng humakbang ang dalawa at pumunta sa harapan ko at saka nila ako itinago sa likuran nila.   "Aba itong mga lampang ito! matapang na kayo ngayon? Sino bang ipinagmamalaki niyo? Iyang mangkukulam na iyan?" agad na hiyaw nung isang saka sila muling nagtawanan.   Natigil lang naman sila sa pagtawa when a hand landed on his face, maging ako ay napatigil dahil si tangkad iyon, sinuntok niya ang lalaking kanina pang nagiingay.   "Huwag ninyo siyang insultuhin!" agad na hiyaw ni tangkad sa kanila dahilan para matulala siya.   Gulat na gulat siyang napatingin sa mga kasama niya saka niya tiningnan ng napakasama si tangkad.   “Humanda ka sa akin!” hiyaw niya.    Agad silang nagsugudan kay tangkad kaya ibinalik ko na lang sa kanila ang shuriken na ibinato nila kanina bago pa sila makalapit ng tuluyan sa dalawa. Tumama naman agad iyon sa balikat ng lider nila na agad niyang ikinahiyaw, lahat naman sila ay napatigil dahil doon maging ang dalawang nasa gilid ko.   "Be fair, 2 vs 10 where is the justice in there?" sabad ko sa kanila.   I just look at them also na lalo naman nilang ikinagulat. Agad na bumakas ang takot sa mga mata nila kaya nagsimula na akong maglakad at dinaanan ko lang sila na agad din namang tumabi, napalingon akong muli nung mapansin kong walang sumusunod sa akin saka ko lang napansin na nakatayo lang din yung dalawa doon at tulala.   "Faster, I don't wanna be late on my first day," agad kong sabi ko sa dalawa saka muling naunang lumakad.   Dali-dali din naman silang sumunod dahil doon, tamang tama lang ang paglapit ng dalawang ito sa akin, pwedeng pwede ko silang pakinabangan sa mga oras na ito.   Kung ano mang kaylangan nila sa akin o kung anumang balak nila sa akin ay saka ko na aalamin ang mga iyon ang importante ay ang ngayon, kaylangan ko silang makuhanan ng impormasyon, kaylangan kong magpanggap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Agent Series 12: Unforgettable Night With A Stranger

read
126.0K
bc

Bastarda (SPG- R-18)

read
233.4K
bc

Dangerous Spy

read
324.5K
bc

Agent Series 11: Lie To Me ( SPG R-18 )

read
170.3K
bc

Agent Series 17: Money Or Kiss Me? (R-18 SPG)

read
186.7K
bc

Stolen Kiss * mafia boss*(Benjamin Shoun R18 SPG*)

read
165.1K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
86.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook