(Chardice’s POV)
Hindi ko na lang sila nilingon at dire-diretso na lang ako sa paglakad papunta sa room namin. Pagpasok ko doon ay agad na napakunot ang noo ko dahil walang tao pero hindi nagsalita ang dalawa at parang normal lang iyon sa kanila, nasaan na kaya yung iba?
Kahit na nagtataka ay naupo na lang ako sa dulong upuan malapit sa bintana at hindi na inalala pa kung bakit wala pang tao dito sa ngayon, sigurado namang dadating din sila mamaya.
"Chardice? paano mo nagawa iyon? Ang galing mo!" agad na tanong ni tangkad sa akin kaya agad akong napakunot ng noo saka ako napatingin sa kanya.
"Roberto huwag mo ng tanungin si Chardice, magpasalamat na lang tayo sa pagtulong niya sa atin ngayong araw," mayamaya naman ay sabad ni pandak sa usapan.
"Arturo, hindi pangkaraniwan yung ginawa niya, gusto ko yung malaman," sagot naman sa kanya ni tangkad sa kanya na lalong ikinakunot ng noo ko.
Ang weird talaga nila, papaano nakaka-survive sa ganitong klase ng paaralan ang mga tulad nila? Namamangha na sila sa ganoong bagay? Ibinalik ko lang naman sa kanila ang shuriken na iyon at wala na akong iba pang ginawa, is it part of their plan? To play dumb? Kasi yung suntok ni tangkad kanina, alam ko na malakas yun.
"Seriously? Is that your name, like for real?" agad silang natigilan at nagkatinginan sa tanong ko sa kanila.
Kaylangan kong sumakay sa mga pakulo nila, kaylangan kong magpanggap. Agad din silang tumango ng sabay kahit na halata sa kanila ang pagtataka sa tanong ko sa kanila.
"Ang baho naman pakinggan," pagkasabi ko noon ay hindi ko na napigilan ang matawa.
Tawa lang ako ng tawa sa kanila hanggang mapansin kong nakatingin lang sila sa akin kaya ako napatigil.
"What? Totoo naman ah, mas matanda pa yata sa mga lolo niyo yung mga pangalan niyo eh!" muli kong sabi saka ako muling natawa dahil napaka-weird talaga nila.
"W-wala! Hehe!" sabay din nilang sagot kaya umayos na lang ako ng upo at itinigil ko na ang pagtawa.
"Anyway? Did you two know something about the Elites A” tanong ko sa kanila pagkaupo namin sa napili naming silya.
Agad din namang nanlaki ng mga mata nila saka sila parang namutla sa tanong ko. Ano bang nakakagulat doon? Dito sila nagaaral imposibleng hindi nila alam yun.
"E-elites A?" sagot agad ni tangkad sa akin.
Sa tono niya ay parang sinisiguro niya din kung ano nga ba talaga ang sinabi ko. Mayamaya lang din naman ay nagpalinga-linga din siya sa paligid bago sila lumapit sa akin.
"Chardice huwag mo silang babanggitin, may kaukulang parusa ang sino mang lalabag sa kanilang batas, paparusahan ang sinumang bumanggit sa kanilang pangalan maliban sa kasapi nila, kapag may nakarinig sa iyo tiyak na katapusan mo na," agad na kwento ni tangkad sa akin habang nagmamasid sa paligid.
I just chuckled, pero mukang mapakikinabangan ko nga sila.
"Pft ~ as if I'm scared!" tanging sagot ko sa kanila.
Hindi ko na din mapigilan ang matawa at kapwa lang din naman silang bumuntunghininga at saka tumingin sa akin na parang natatakot talaga sila. Ngunit mayamaya ay sabay din silang napakamot sa mga ulo nila dahil sa sinabi ko.
"Bihira lang magpakita ang Elites A dito at limitado lang ang alam namin sa kanila, may sarili din kasi silang mundo at hindi sila basta basta nakikihalubilo sa kahit na sino. Alam mo naman siguro na Iginagalang sila at kinakatakutan ng sinuman, dito ay sila ang pinaka-malakas, pinaka-matalino, pinaka-mayaman, pinaka-makapangyarihan, at pinaka-maimpluwensiya, at dito ay walang sinumang nangahas na bumangga sa kanila maliban sa magic 10. Ngunit maging sila ay hindi kaya ang mga iyon, lahat ng nandirito ay sila ang sinusunod, marami din silang mga taga-sunod dito kung tutuusin ay higit sa kalahati ng populasyon ng school ang mga taga-sunod nila. Ang iba naman ay sa pangkat ng magic 10 naka-suporta at iyon ang madalas na dahilan ng mga kaguluhan sa paaralang ito," salaysay ni tangkad sa akin na sa tingin ko naman ay may pakinabang.
Ganoon pala ang kalakaran dito? Ibig sabihin pala ay wala silang ibang kinikilalang grupo kung hindi ang Magic 10 at ang Elites A.
"Magiingat ka sa kanila Chardice, huwag mo silang babanggain, higit kaninuman sila ang dapat mong iwasan, kapag nakalaban mo sila ay parang kalaban mo narin ang lahat," paalala naman sa akin ni pandak na ikinangisi ko lang.
"Hindi ko naman sila babanggain, " I just said saka ako umiwas ng tingin at tumanaw sa labas ng bintana malapit sa akin.
Hindi ko sila babanggain sa ngayon, hindi pa sa ngayon. Natahimik na lang ako at hindi na nagtanong sa kanila, dahil doon ay natahimik narin sila pero maya maya lang ay napalingon kami sa labas ng room namin dahil nagtakbuhan ang mga estudyante sa kabilang room pababa, ano kayang nangyayari?
"Sigurado akong ang Elites A at Magic 10 yun, mukang nagkakagulo na naman sila." Pagkasabi non ni tangkad ay mabilis din akong lumabas para sundan ang mga nagkakagulong estudyante.
Pagkakataon ko na ito para makita sila, kaylangan ko silang makita ora mismo.
"Chardice! Huwag kang pumunta doon delikado!" sigaw nilang dalawa sa akin para pigilan ako pero hindi ako tumigil.
Tumuloy lang ako sa pagsunod sa mga estudyante saka ako dumiretso sa cafeteria kung saan sila papunta. Pagpasok ko palang sa pinto ay natanaw ko narin agad sila, sigurado akong ang napapalibutan ng mga estudyanteng ito ay ang Elites A at Magic 10. Bago ako pumasok dito ay kinilala ko na sila, pero ako ay hindi pa nila kilala kaya dapat nila akong makita, dapat nila akong makilala at lahat ng pagkakataon ay dapat kong samantalahin.
Habang pinagmamasdan ko sila ay may biglang humila sa akin palayo doon kaya agad akong napalingon at agad kong nakita na si tangkad iyon, mahigpit ang kapit niya sa braso ko indikasyon na hindi ako basta bastang makakawala sa kanya, mabibilis ang hakbang niya kaya hindi agad ako nakapagsalita ng hilahin nila ako palapit sa pinto at palabas na sana kami, per biglang sumarado ang pinto ng cafeteria na pinasukan ko kanina.
"s**t!" bulong nung dalawang kasama ko saka sila napatingin sa mga nagsara ng pinto.
"Sinong may sabing lalabas kayo? Walang makakalabas hanggat hindi pwede!" nakangising sabi ng isang lalaki na nasisiguro kong kasapi ng Magic 10.
Dito ay mabilis lang mahalata kung sino ang myembro ng Magic 10 o Elites A, kitang kita iyon sa kung papaano sila manamit. Ang mga kasapi kasi ng Magic 10 ay mahahalata mong gangster kung manamit at umasta samantalang ang Elites A at ang mga kasapi nila ay formal kung manamit. At isa pa ay may mga tattoo sila ng sari-sarili nilang pagkakakilanlan kaya malalaman mo rin kaagad kung sino ang mga walang sinasalihang grupo maging ang mga newbie.
"Hindi kami kabilang sa inyo, kaya hindi rin kami kasali sa gulo ninyo," sagot agad ni pandak sa lalaking nasa pinto na ikinatawa naman agad ng mukang anaconda na iyon.
"Kasali na kayo dito sa simula't simula pa lamang ng pagtuntong ninyo sa paaralang ito, sa ayaw niyo man o sa hindi," he said saka niya kami tiningnan ng masama.
Mayamaya lang din naman ay nginisian niya lang kami at pagkatapos ay bigla niya din akong hinablot sa braso kaya agad ko ding hinila ang damit niya palapit sa akin.
"You have no right to touch me, you idiot," I whispered to him and gritted my teeth in anger.
Hindi ko na din napigilan ang sarili ko kaya sinapak ko siya ng pagkalakas-lakas na dahilan din para tumalsik siya sa may pinto and it caught the whole attention of those students.
"Ang lakas ng loob mong kalabanin kami, baguhan ka lang wala kang kwenta!" hiyaw ng lalaking kasama nung sinuntok ko kaya sa kanya ko ibinaling ang masama kong tingin na agad namang ikinalaki ng mata niya.
Marahil hindi siya makapaniwala na naglakas loob akong tingnan sila ng masama. Agad ding tumalim ang tingin niya sa akin saka niya ako sinugod and I just grab his neck using my left hand habang hindi ako nakatingin sa kanya saka ko siya itinaas at inihagis ko din siya sa may pinto.
Lalong nagulat ang lahat sa ginawa ko pero hindi ko sila pinagkaabalahan dahil alam kong hindi naman ang walo at ang sampung iyon. Baka nga normal na ang eksenang ito sa kanila kaya alam kong hindi basta bastang makukuha ng ganitong bagay ang atensyon nila.
"So ikaw pala ang babaing iyon?" mayamaya ay sabi ng lalaking lumapit sa amin kaya napalingon ako sa kanya.
Siya ang leader ng Magic 10. agad niya akong nginisian pero tiningnan ko lang siya, may kakaiba sa ngisi niya hindi ko alam pero iba ang dating noon sa akin.
"Sumali kayo sa grupo namin Ms. Perez," alok niya sa amin na agad kong ikinangisi.
Napansin ko din kaagad na nakuha din ng paglapit niya sa akin ang atensyon ng lahat maging ng Elites A.
"Gusto mong sumali kami sa grupo mo? Wait? Sino ka ba?" nginisian niya lang ako matapos kong sabihin iyon.
Lalo naman siyang naging weird para sa akin dahil doon, he seems to be gentle yet so dangerous. Napailing na lang ako sa isiping iyon, hindi dapat ganito ang nararamdaman ko, kaya lang pakiramdam ko ay kilala ko siya.
Sa totoo lang ang weird niya talaga at isa pa ay nagpapatawa ba siya? Ang panget naman ng joke niya, bakit niya naman kami basta bastang ire-recruit? Mayamaya ay napalingon ako kay tangkad na katabi ko dahil mahina niya akong tinapik sa braso, bakit ba? Mali ba ako? Totoo naman yun hindi ba?
"Ikaw yung tumalo sa amin sa race, sa amin ka na lamang sumali Ms. Perez! bagay ka sa aming grupo." napakunot din ang noo ko sa sinabi ng isang kasapi ng Elites A, what race?
Ilang segundo ko din siguro silang tiningnan bago ko naalala ang race papunta dito sa school, yun lang naman ang alam kong race na involve ako at recent lang, wait? sila ba yun? Good timing. Tiningnan ko na lang siya ng walang emosyon saka ako nagtanong.
"Is there a human who can live in the sun?" kunot noong tanong ko sa kanya na agad din namang ikinakunot ng noo niya.
"A-ah Chardice, imposible naman yata yon," sabad ni pandak sa usapan namin saka niya ako mahinang tinapik pero hindi ko iyon pinansin.
"Then it's just like joining your group, it's impossible," sagot ko habang nakatingin sa lalaking iyon.
Lahat naman sila ay otomatikong tumalim ang tingin sa akin and I just smirk habang dinig na dinig ko ang bulungan at pagsinghap ng mga kasapi nila habang tumatawa ang mga kasapi ng Magic 10.
"Pagsisisihan mong kinalaban mo ako babae!" hiyaw ng lalaking iyon kaya lalo ko lang siyang nginisian.
"Don't worry the feeling is mutual man," tanging sagot ko sa kanya saka ko siya tiningnan na parang siya na ang pinaka-walang kwentang tao sa mundo.
This eight strongest students of this school. Kilala ko sila, kilalang kilala ko sila at sadyang nananabik lamang akong makita sila matapos ang napakahabang panahon.
"So that's you are now and that's how you live, how nice to see you again after so many years, you are still such a piece of s**t! Still the same idiots, still assholes! Tsk tsk tsk!" I said saka ko sila nginisian saka ako umalis.
Leaving them stunned to what I have said. Natatandaan ba nila ang mga katagang iyan? Alam kong natatandaan nila ang mga iyon at hinding hindi nila iyon makakalimutan. Simula na ngayon ng bangungot ng nakaraan nila at hinding hindi ko sila patatakasin kahit na anong mangyari.
-----------------------
"Chardice? Chardice? Nabalitaan mo na ba?" bungad agad ni tangkad sa akin ng lingunin ko siya habang naglalakad ako papasok ng room namin.
Nagmamadali din silang tumakbo papalapit sa akin, ano kayang tinutukoy nila? Sinabayan narin nila akong maglakad papasok ng room habang hindi ako nagaabalang lingunin sila pero napakunot lang ang noo ko, hinabol ba talaga nila ako para sa kung anong sasabihin nila? Ang tindi nila ah, importante kaya ang sinasabi nila?
"Chardice seryosong bagay ito!" mayamaya ay muling sabi ni tangkad kaya napakunot muli ang noo ko.
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na lang pwede ba?" inis kong sagot sa kanila.
Nauna na din akong pumasok sa room namin na wala na namang ibang tao maliban sa amin.
"Ang initiation sayo ngayon na gaganapin, usually kase Sunday ginaganap ang initiation sa bagong estudyante ng paaralan, pero ngayon ang aga nito, dahil kaya iyon sa nangyari kahapon?" paliwanag sa akin ni tangkad na lalong ikinakunot ng noo ko.
Totoo pala talaga ang initiation na iyon? malamang ay dahil nga iyon sa nangyari kahapon kaya maaga ang initiation ngayon. Ayon din sa mga impormasyon na nakalap ko at ayon sa dalawang ito batas sa paaralang ito ang anumang sasabihin ng Elites A kaya kahit ang Magic 10 na SSC Officials ay walang magawa laban sa kanila kahit pa magbanggaan sila.
"Malamang ay iyon na nga ang dahilan ng lahat, wala ng iba pa," segunda naman ni pandak sa sinabi ni tangkad.
Napailing na lang din ako and then what? Inaasahan ba nila na matatakot ako sa mga yun?
"I already know that. I can handle," simpleng sagot ko sa kanila na agad nilang ikinalingon sa akin ng sabay.
"Chardice? Alam mo din ba na delikado ang initiation na iyon? lahat ay maaaring mangyari doon, at pwedeng pwede kang mamatay," paalala sa akin ni Roberto kaya tiningnan ko lang din sila.
"Sanay na ako sa ganoong buhay Roberto, at isa pa, kayo nga nakaya niyo dito ako pa kaya?" sagot ko kay Roberto na agad niyang ikinatigil saka ko siya nginisian.
Marahil ay hindi narin niya alam ang sasabihin sa akin. Hindi na ako nagsalita at natahimik narin sila marahil narin siguro sa sinabi ko, pero maya maya lang ay napalingon kami ng sabay sabay sa may pinto ng may magbukas noon, sigurado akong teacher siya dito ayon narin sa suot niya.
"Ms. Perez? on the gymnasium." Tiningnan ko lang siya at hindi na ako tumugon sa sinabi niya at agad na lumakad na kasunod niya, sumunod din naman agad ang dalawa sa akin.
"Chardice magiingat ka." Pahabol na paalala sa akin ng dalawang lampang nilalang na may mababahong pangalan habang naglalakad kami.
Ibinulong lang din nila iyon marahil ay para hindi marinig ng teacher na nasa unahan namin. Napatingin na lang ako sa dalawa at muntik pa akong matawa pero hindi na ako sumagot, dumiretso lang kami sa gym kasama ang teacher na iyon at pagdating namin ay nakita naming halos lahat ay nandito na, parang kami na lang talaga ang hinihintay.
Tiningnan ko na lang din ang lahat at saka ko lang napansin na maging ang Elites A at Magic 10 ay naririto narin, makikita mo rin dito na sa bandang kanan ang pwesto ng mga Elites members at sa kaliwa ang mga Magic members, sa gitna naman ng gym ay may metal cage na siyang magsisilbing parang ring, ang astig, parang hindi nalalayo sa mga underground fights na napupuntahan ko noon.
"Nakagawian na ng paaralang ito ang initiation sa sinumang bagong kasapi ng ating paaralan, upang mapatunayan nila ang kanilang sarili sa ating lahat at upang mapatunayan nila kung sila ba ay tunay na karapat dapat na mapabilang sa paaralang ito. At ngayon kayong lahat ay naririto upang saksihan ang pagsasagawa ng initiation sa ating bagong kasapi na si Ms. Perez. Pero bago ang lahat, anong nais mong sabihin bago tayo magsimula Ms. Perez?" agad na panimula ng host saka niya ako binalingan matapos niyang magtanong.
Tiningnan ko lang din naman siya saka ako lumapit sa mike na itinapat niya sa akin. Akala mo talaga nasa game-show ang mga to.
"Isang malaking kahibangan!" tipid kong sagot saka ako pumasok sa ring na ginawa nila.
Agad ko ding itinali ang mahaba at kulot kong buhok saka ko tinanggal ang salamin ko, bakit parang ginaganahan yata ako ngayon? Sabagay warm up narin to. Habang itinatali ko ang buhok ko ay napalingon ako sa audience na nasa gawing kanan ko at napakunot ang noo ko ng matanaw ko narin ang dalawang kasama ko kanina na nakaupo malayo sa karamihan.
Seryoso ba sila? panonoorin nila ako? Wala pa nga akong masyadong ginagawa ay takot na sila sa akin? Ngayon pa kaya na makikita na nila akong lumaban? Napailing na lang ako at napatingin sa malaking jacket na suot ko, buti na lang ito ang sinuot ko.
Mayamaya lang din ay napalingon ako dahil may narinig akong parang bakal na binuksan at kasunod noon ay may narinig akong umaangil, saka ko lang din nakita na may tatlong asong lobo ang lumabas sa bakal na pintuan na binuksan ng kung sino.
Napangisi lang ako dahil doon saka ko tiningnan ang tatlong iyon, hindi na bago sa akin ang mga asong lobo, may alaga din akong ganoon sa japan at sa hacienda na pagmamay-ari ko, sanay ako sa kanila, I know their nature. Tinitingnan ko lang sila habang nakabantay lang sila sa akin at parang handang handa ng umatake, pero hindi parin ako gumagalaw dahil iba parin sila sa mga alaga ko.
“Time is running Ms. Perez.” mayamaya ay paalala ng host.
Saka ko lang naalala na may audience nga pala ako kaya lumuhod na lang ako sa harapan nila at saka ko sila tinawag para haplusin. Napaatras sila ng gawin ko iyon pero nakahanda silang umatake, and I just kneel there doing nothing saka ko sila muling tinawag hanggang sa mayamaya ay kusa narin silang lumapit sa akin at dumapa sa harapan ko, they are afraid and so conscious, maybe because they knew humans just wanted to hurt them.
“It’s okay, everything's fine now, ” I said to them saka ko sinubukang haplusin ang nasa gitna nila ng marahan and he didn’t even make any move.
Napangiti na lang din ako dahil doon saka ko hinaplos ang dalawa pa. We stayed like that for a while dahil parang tuwang tuwa din naman sila sa ginagawa ko habang tahimik ang audience namin, maybe they are expecting a different approach from me.
Hindi din naman nagtagal na ganoon ang pwesto namin dahil mayamaya lamang ay bumukas muli ang gate na bakal, saka ko naramdaman na may papalapit muli sa akin, at nakita ko agad ang tatlong mukang mababangis na leon ang agad na lumabas doon at dinamba agad ako pero agad din naman akong nakailag, too close. Kitang kita sa kanila na gutom na gutom na sila, they seems to be tortured and starve too like this wolf, halatang halata din ang aggressive nature sa kanila.
Agad din namang umalis ang tatlong aso na kalaro ko kanina, bakas na bakas ang takot sa tatlong asong iyon sa tatlong malalaking leon. Hinayaan ko na lang din sila at tiningnan ko lang din ng masama ang tatlong leon na iyon, agad na nagtangkang sumugod ang pinaka-malaking leon kaya agad din akong naghanda.
Agad na sumugod sa akin ang pinaka-malaking leon so I just formed my hand into a ball fist and punch him hard na dahilan para agad siyang tumalsik at dumaing. Agad din namang tumakbo na umiiyak ang leon na iyon na sinundan naman agad nung dalawa kaya hinayaan ko na lang sila.
Napakunot na lang din ang noo ko dahil doon, ang weird lang pero natatandaan ko ang mga pamamaraan na ito, ganitong ganito kami sinanay ng mga kaanak namin noon. Napailing na lamang ako saka ako muling napatunghay ng may mga marinig akong mga yabag na papalapit sa akin, at hindi nga ako nagkamali na this time tao naman ang pinadala nila.
Agad ko ding tinantya ang bilang nila ng makalabas na silang lahat ng hindi nagsasalita o kumikilos, nakatitig lamang din ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. Karamihan ay nagpapakita ng paninindak at pangungutya at ang iba ay nananatiling tahimik. limampung mga kalalakihan ang nasa harapan ko ngayon na base sa porma ay malalaman mo na agad na sila ay mga gangsters.
Nananatili akong hindi nagsasalita dahil gusto ko na lang ding matawa habang inaalala ang lahat, ganito ang pamamaraan nila ng pagsasanay at hindi ko alam na ganito din ang initiation nila dito.