Chapter 3

3616 Words
(Vin's POV)           Tingnan lang natin ang yabang mong mangkukulam ka ngayong mga gangsters naman ang mga kaharap mo, they are way stronger than any gangsters out there, alam kong hindi sila magpapatalo at matatalo ng basta basta lamang.   Ngunit parang may mali parin sa kanila katulad nung mga leon at asong lobo na iyon, kanina ay punong puno ng confidence at yabang ang mga muka at kilos nila pero habang tumatagal sila sa loob ay parang halos lahat sila ay nag-aalinlangang sumugod sa kanya habang nakatingin lang siya sa kanila.   Tingin lang niya iyon pero ganyan na ang epekto sa iba, ano bang meron sa kanya? Anong meron sa mga tingin niya? Ganyan ba siya kapangit para katakutan? Tsk. Mayamaya naman ay dahan-dahan siyang lumapit sa mga iyon at napaatras naman agad yung iba dahil sa kanya pero yung iba ay naglakas loob narin na sumugod pero bago pa sila tuluyang makalapit sa kanya ay mabilis na siyang tumakbo at agad silang sinugod, agad ding nagtumbahan ang iba sa kanila sa mga suntok niya.   "Ang weird man pakinggan pero alam kong may kakaiba talaga sa kanya.” mayamaya ay sabi ni Chase na katabi ko kaya napalingon lang ako sa kanya.   Nakita ko din na ngumisi lang din ang lahat ng mga kasama ko na napatingin lang din sa kanya. Ibinalik ko na lang din agad ang tingin ko sa ring ng hindi nagsasalita saka ko sila muling pinanood, at nakita ko na agad niya ring natapos ang mga iyon sa pamamagitan lamang ng mga suntok gamit ang mga kamao niya, kaya sumunod din agad na pumasok ang ilan sa malalakas na mag aaral ng paaralang ito, pero nakatayo lang din siya doon gaya kanina at parang hindi man lang siya natitinag.   Maya maya ay itinaas niya ang kaliwang kamay niya habang kaharap ang mga iyon na dahilan para agad na mapakunot ang noo ko. Kanina ay puro kanang kamay lamang ang ginagamit niya pero ngayon ay itinaas na niya ang kaliwa, at ano naman kayang meron diyan ngayon?   Dahil sa ginawa niya ay agad na humanda ang mga kalaban niya pero hindi na nakagalaw ang iba sa kanila ng bigla na lang silang sugudin ng mangkukulam na iyon saka niya pinagsusuntok ang mga kalaban gamit ang kaliwang kamay niya, agad din silang tumalsik sa mga bakal na harang ng ring at kada matatamaan ng suntok niya ay tumatalsik at nawawalan agad ng malay. What the hell is that?   "Interesting tactics, ngunit sobrang lakas naman yata noon para sa pangkaraniwan?" sabi naman ay sabi ni Vanes kaya napaisip din ako dahil doon.   Napansin niya rin yun? Tama ang sinabi niya, ang lakas ng suntok ng mangkukulam na iyon, dahil kaya iyon sa pagiging mangkukulam niya?   "Kilala ko ang taktika na iyon, nagmula ito sa mga Henson, pero papaanong magagawa iyon ng katulad niya gayong tanging ang mga Henson lamang ang may kakayahang gumawa ng ganoong bagay? Family Henson members have that strongest fist that no one can beat, that’s their signature and identity." Dice then suddenly said.   Napakunot din ang noo ko dahil doon. Tama siya kaya pamilyar sa akin ang taktikang iyon ay dahil sa mga Henson. Agad naman akong napalingon sa nasa harapan ko dahil biglang tumayo si Keijin, Henson siya siguradong kaya niyang ipaliwanag ang mga bagay na ito, kaya niyang sabihin kung kapareho iyon ng taktika at kakayahan nila o hindi.   Hindi nagsalita si Keijin at tahimik lang siyang dumiretso sa baba at marahang naglalakad na parang papunta sa ring, teka! Anong gagawin niya? Pipigilan ko sana siya sa gagawin niya pero pinigilan agad ako ni Ouji kaya hindi na ako gumalaw. Tsk! Titingnan ko lang din naman sana.               (Keijin's POV)       Dahan dahan akong bumaba para lapitan ang ring na iyon, gusto ko siyang makita ng malapitan para malaman kung anong meron sa kanya at bakit kinatatakutan siya ng mga iyon. Gusto kong makita ng malapitan kung sino ba talaga siya, papaano niya na-achieve ang ganoon kalakas na mga suntok? Papaano niya nagagawa ang mga ito?   Habang papalapit ako sa ring ay sakto namang pumasok na ang mga hired ninja assassins mula sa assassins organization para lang sa initiation na ito, habang pinananatili ko ang tingin ko sa kanila. Agad din kasi niyang natapos ang mga estudyanteng iyon.   Pagkatapos ng laban na iyon ay tapos na ang initiation at doon na malalaman kung nakapasa siya o hindi, but I doubt na hindi siya makakapasa, the moment I saw how she throw punches alam ko na sa sarili ko na papasa siya. Mayamaya ay naglakad na siya papunta sa gitna ng mga assassins na iyon na agad naman siyang pinalibutan, kampante siya, nakikita ko iyon kahit nakatalikod siya.   Hindi naman nagtagal ay nagsimula naring sumugod ang isa sa mga assassin. Ngunit agad niya lang na sinalag ang atake nito at kinuha ang dalawang dual blade katana na dala nito. Dahil doon ay agad din naman na sumugod ng sabay-sabay ang mga assassin.   Agad silang tumalon sa ere at umatake mula sa itaas, ngunit sinalag niya lang ng kanang kamay nya na may hawak ding katana ang atake nilang iyon, saka siya umikot at iwinasiwas ang katana na hawak niya sa kaliwang kamay niya sa kanila, pero nakailag din silang lahat doon at nahawi na dahilan para muli siyang maiwan sa gitna.   Lahat ng nanonood sa kanya ay tahimik at ganoon din kami, hindi niya masyadong ginagamit ang kaliwang kamay niya sa laban yun ang napapansin ko sa kanya. Mayamaya lang din naman ay binitawan niya na ang isang katana at humanda na muli sa pagatake, nakatalikod siya sa akin hindi ko makita ang expression ng kanyang muka pero alam kong seryoso siya.   Sa totoo lang ay nakakagulat ang bilis niya sa pagkilos, nakikipagsabayan siya sa mga assassin na iyon, pero parang may mali parin dahil sa paningin ko ay mas mabilis pa siya sa kanila. Mayamaya ay muli silang nagsalpukan.   Wala silang tigil sa palitang pag-atake, lahat sila ay mabibilis at parang hindi naman nagkakatamaan. Hanggang sa mayamaya ay bigla na lang siyang tumigil, saka niya muling sinugod ang kumpulan ng mga assassin at ginamit ang katana para asintahin at araruhin sila pero parang wala namang nangyari, nakalampas lang siya pero nakatayo parin ang mga assassin na iyon.   Mayamaya ay nakita kong itinaas niya ang kanang kamay niya at ipinitik niya ang daliri niya at kasunod noon ay sabaysabay na nagtalsikan ang dugo ng mga assassin na iyon, sabay sabay din silang bumagsak ng walang buhay kasabay ng pagbaha ng mga dugo nila sa ring na umabot din dito sa labas.   Blood is everywhere na alam kong ikinagulat din ng lahat. I never expected this kind of outcome from her. This is the most brutal end of this initiation na alam kong kahit si Ouji o ang mga dating estudyante ng Elites Academy ay hindi nagawa. Sino ba talaga siya? Ang mga ipinapakita niya, ang mga sinabi niya noon, iisang tao lang ang pumapasok sa utak ko kapag gumagawa siya ng mga pamilyar na bagay pero patay na ang taong iyon.   All of them are quiet kahit pa tapos na ang laban, no one dares to move or talk kaya pumasok na ako sa loob ng ring ng tahimik dahil kahit ang host ay natulala na lang din. Finally, she looks at me already. Finally, I was able to see her eyes, her face, everything about her, and her eyes it's bloody. It's bloody like the eyes of that one person I knew the most.   Pakiramdam ko din ay agad nanginig ang mga tuhod ko at kusa na lang itong babagsak pero agad akong kumapit sa ring para alalayan ang sarili ko. Her eyes look like hell, like her, like the eyes of that person I knew. s**t. Why am I like this?   Ilang minuto lang din akong nakatingin sa kanya kahit pa napahina ng pagtitig sa kanya ang tuhod ko, kahit pa bigla akong nanghina ay nakaya kong makipagtitigan sa kanya kaya nakita ko din agad when her bloody eyes turns gray again.   She then stares at me for so long na parang tinatantya kung anong gagawin at sasabihin ko, tila nagtataka din siya kung bakit ako pumasok pero hindi siya nagtatanong. That eyes, I knew someone who has that kind of eyes also. And why do I feel like this? Why am I feeling that they are one person? I knew its impossible.   "Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya ng magkaroon ako ng lakas ng loob but she just smirk at me and then she leave na hindi man lang nagsasalita.   Naiwan naman ako dito na napatitig na lang sa kanya habang papalayo na siya. F*ck! Hindi pwede to matagal na siyang patay hindi maaaring siya ang babaeng iyon, mali lang siguro ako ng hinala, hindi, hindi tama ang iniisip ko, patay na siya, nakita ko alam kong patay na siya. Napalingon ako ng may tumapik sa akin at nakita kong it's Ouji, and the way he look at me ay parang may alam na siya, parang may gusto siyang sabihin.   "Kilala mo ba siya Ouji? Nakita mo din naman hindi ba? Pareho tayo ng iniisip hindi ba? And that eyes of her, its the same with her." umiling lang agad siya sa tanong kong iyon at hindi na nagsalita pa.   Tila wala din siyang pakialam sa iba ko pang sinabi kaya natahimik na lang din ako. Hindi nga kaya siya ang taong matagal na naming hinahanap?   Hindi na ako muling nagtanong sa kanya at lumabas na lang din ako sa ring at ramdam kong sumunod din naman agad siya. Sinalubong din naman kami agad ng mga kasama namin kaya dumiretso na lang kami saka kami umalis sa gym.   Natauhan narin naman mayamaya yung nagulat na host ng initiation kaya late niya ng na-announce ang pagpasa ni Chardice sa initiation.   “Itutuloy natin ang plano,” agad na sabi sa amin ni Ouji paglabas namin ng gym.   “Tama si Ouji, kung gusto natin siyang makilala dapat ituloy natin ang plano.” segunda naman ni Axel.   Nanatili lang naman akong tahimik at hindi na ako nagsalita pa. Sino ka ba talaga Chardice Perez? Hindi ka ordinaryo, alam ko iyon, kaya kikilalanin ko kung sino ka, kaylangan kong makasiguro. (Chardice's POV)       Ito na yata ang pinaka-mahaba kong tulog simula ng dumating ako sa school na to, siguro ay napagod din ako. Weird. Wag na lang kaya akong pumasok ngayon? Tutal naman ay tanghali na saka malamang ay kukulitin na naman ako ng dalawang nilalang na may mababahong pangalan, pft.   Tumayo na lang agad ako mula sa pagkakahiga ko saka ako mabilis na naligo at nagbihis, mabilis ko ding inayos ang disguise ko para agad na makababa at makapagluto ng makakakain ko.   Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay agad akong bumaba pero napakunot lang din naman kaagad ang noo ko ng pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong may ibang tao sa dorm ko, anong ginagawa nila dito? Mali ba ako ng pinasukan na dorm?   Hindi naman ako lasing hindi ba? Baka sila ang lasing? Okay lang ba sila? Anong ginagawa ng Elites A na ito dito kasama yung dalawang nilalang na may mabahong pangalan?   "Chardice? Okay ka lang ba? Tinanghali ka ng nagising ah, samantalang ang aga-aga mo palaging nagigising noong mga nakaraang araw. Anyway kumain na tayo? ipinagluto ka ni Master Dice." agad na nawala ang pagkunot ng noo ko sa sinabi ni tangkad.   “Sinong may sabi sayo na natutulog ako non? Ngayon lang ako natulog,” tanging sagot ko na agad na ikinatawa nung dalawa pero muling napakunot ang noo ko ng maalala ang sinabi niya.   Wait? Ipinagluto ako ni Dice ng Elites A? At saka bakit parang magkakakilala naman talaga sila? Ang weird. Kaylan pa kaya sila naging close? O baka naman talagang close sila, baka iyon ang sikretong tinatago nila sa akin.   "And you? what the hell are you doing here?" I hurriedly ask those Elites pero tumingin lang sila sa akin at yung dalawa ay ngumiti lang din naman.   "Nakapasa ka sa initiation kahapon at simula ngayon ay kabilang ka na sa mga Elites, Chardice," sagot ni Arturo sa akin.   Napatingin na lang ako sa kanya saka ako napangisi. So maaaring tama talaga ang hinala ko na kasali talaga sila sa mga Elites at maaaring kasali din sila sa initiation thing na yan.   "Wala akong sinasalihan, wag ka ngang magpatawa," sagot ko sa kanya sa malamig na tono.   Dumiretso na lang din ako sa kusina para kumain, hindi ko na lang rin sila pinansin o pinaalis, sigurado naman akong aalis din kaagad sila. "Pero Chardice, wala ka ng magagawa doon kaya huwag ka ng tumutol, kasama yun sa rules ng paaralan na ito na lahat ng makakapasok na baguhan dito sa school ay otomatikong magiging myembro ng mga Elites at magiging Magic 10 lamang sila kapag tumiwalag sila." Dinig kong sabi ni Arturo na nasa likuran ko habang sumusunod siya sa akin sa paglalakad papunta sa kusina.   Tumigil naman agad ako and I look at him, bigla naman siyang tumungo ng tingnan ko siya marahil narin sa gulat sa ginawa ko, madali naman palang kausap ang pandak na ito eh. Muli na lang akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina at hindi na nagsalita pero alam kong sumunod parin siya sa akin.   "So tama ang hinala kong kasali kayo sa initiation?" agad kong tanong sa kanya.   Nagkatingin naman agad silang dalawa saka sila sabay na napakamot sa ulo.   "Oo Chardice, isa kame sa mga pagsubok na kaylangan mong ipasa," sagot ni tangkad sa akin na parang nahihiya pa kaya napangisi na lang ako.   See? Lahat talaga ng tao dito ang hirap pagkatiwalaan. Kaya talagang hindi ako naniniwala sa mga kalokohan na pinagsasasabi nila nung una pa lang.   "Nakapasa ka sa initiation at ngayon ay kabilang ka na sa grupo ng mga Elites, kailangan din iyon para mapasama ka sa section nila in case na gustuhin mong sumali iyon kasi ang unang requirements nila." Segunda naman ni pandak kaya napatingin din ako sa kanya.   Talaga may ganoon pala? Alam din kaya nila kung papaano ako makakapasok sa section nila?   "Papaano naman ako mapupunta sa section nila?" tanong ko agad sa kanila, “Gusto ko ng lumipat, ang boring ng section niyo, kaylangan ko na ng bagong experience, imagine whole day kayong dalawa lang ang kasama ko? So weird.”   Napakamot lang ng ulo yung dalawa dahil sa sinabi ko saka sila natawa, hindi naman kasi pumapasok yung iba naming kaklase kaya palaging tatlo lang kami sa room at walang klase, hindi ko nga alam kung papaano pumapasa ang dalawang ito.   "Naipasa mo na ang unang pagsubok na kaylangan mong ipasa kaya ngayon ay Elites member ka na, ang ikalawang pagsubok naman ay dapat mong salihan ang lahat ng School clubs ng mga Elites," Axel answered me.   Isa siya sa walong myembro ng Elites A at isa sa mga pinakatahimik sa kanila.   "Tama siya, we are currently holding 5 clubs, music club, dance club, sports club, bookworms club, and the action club," Vanes said too.   Napaisip agad ako sa sinabi nila. Akala ko naman ay may ibang clubs din silang hawak na mas espesyal pa doon, ang weird naman nila.   "Yun lang ba yun? Sige na sasalihan ko na lahat." Sagot ko sa kanila na agad nilang ikinatingin sa akin.   "Talaga Chardice? Sasali ka sa lahat ng clubs namin?" gulat na gulat ding tanong ni Arturo, dahilan para mapakunot din ang noo ko ng maalala ko ang sinabi niya.   Marahil ay agad din niyang napagtanto iyon kaya agad siyang napatakip sa bibig niya.   "Tigilan niyo na yang pagpapanggap niyo, alam ko ang lahat. Ano namang tingin niyo sa akin? Lampa? Hindi ako ipinanganak para mauto niyo lang," sagot ko kay Arturo saka ko sila tiningnan ni Roberto at tumingin din naman ako sa walong iyon.   "Pasensya ka na talaga Chardice, kaylangan naming gawin to ito kasi ang trabaho namin dito," mayamaya ay sabi ni tangkad sa akin.   Ngunit wala namang kaso iyon sa akin, dahil magagamit ko naman sila kapag may kaylangan ako.   "After joining our clubs, you also need to defeat us on different battles na ang pamunuan ng paaralan ang magdidikta kung ano at kaylan," agad namang sabi ng leader nila ng matahimik bigla ang lahat.   Nagsasalita pala ang isang yan? Napatango na lang ako sa sinabi niya saka ako agad na umiwas ng tingin. Wait yun lang ba yun?   "Then after that, you should pass some exams and just remember na hindi ito madali." dagdag naman ni Xian.   Nakatingin lang siya sa akin kaya tiningnan ko lang din siya at hindi na ako nag-abalang sumagot pa.   "Teka nga, wala ba kayong mga klase? Ganyan ba ang mga Elites? Bakit nga ba kayo nandito sa dorm ko?" agad kong tanong sa kanila ng maalala ko bigla ang tanong na iyon.   "Walang klase ngayon at dahil iyon sa initiation kahapon, nandito din kame dahil trabaho naming i-welcome ang mga bagong kasapi ng school. At isa pa ay lagot kami sa dean kapag hindi namin ginawa ito," sagot naman ni Chase sa akin.   Hindi na ako sumagot sa mga sinabi niya na napakahaba na parang EDSA at naupo na lang din ako sa silya ko. Nakahain narin kasi ang pagkain masamang pinaghihintay ang grasya, matapos ko namang umupo ay sumunod din naman agad sila sa akin.   "Bakit nga pala dito ka pumasok? Saka bakit gusto mong sumali sa section namin?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Axel habang kumakain kami.   Napatingin lang din ako sa kanya. Hindi parin nila pwedeng malaman na kilala ko sila at may mission ako dito.   "Bored ako, pwede naman yung dahilan di ba? Saka boring ang section namin kaya gusto kong lumipat." tanging sagot ko sa kanya na ikinatawa niya lang din.   Agad din namang napatungo yung dalawang nilalang na may mabahong pangalan saka sila napakamot sa ulo nila.   "Anyway, I am Axel." tumango lang ako sa kanya ng magpakilala siya.   Saka ko din binalingan ang iba pa ng sila naman ang magpakilala at hindi narin ako nagabalang magpakilala dahil kilala naman na nila ako.   "Wala ba kayong sariling pagkain sa dorms niyo?” takang tanong ko sa kanila.   "Meron, pero hayaan mo na kami dito kapitbahay mo lang din naman kami no, kumuha ka na lang din ng pagkain sa amin pag nagutom ka." sagot ni Rubix sa akin saka siya natawa pagkatapos ay ngumiti kaya muling napakunot ang noo ko.   Kapitbahay? Seryoso ba siya? Kalapit dorm ko sila?   “Dorm namin yang mga kalapit ng dorm mo, ang saya di ba?" Dice said to me saka siya ngumiti.   Wait for what? What the hell?   "Pero Chardice? papaano mo nga pala nagawa sa mga wolf yung kahapon saka sa mga leon?" mayamaya naman ay tanong ni Roberto.   Agad naman akong napa-ismid ako saka ako bumaling sa kanya.   "Wolf ba sila? Seryoso ka ba? Akala ko naman syberian husky sila o kaya naman ay alaskan malamute, may mga alaga kasi akong ganoon sa hacienda ko, pero yung leon, ewan ko, baka natakot sa buhok ko." kwento ko kay Roberto habang kumakain.   Kaylangan kong tiisin na maging madaldal, kahit naiinis ako kaylangan kong tiisin to.   "Hacienda? ang sosyal naman." mayamaya ay reak na naman nina Roberto at Arturo.   Napatingin lang din ako sa kanila, seryoso ba sila? Anong sosyal doon?   “Sosyal ba yun? Seryoso ba kayo?" tanong ko sa kanila na agad nilang ikina-tawa.   "Oo naman!" muling sagot nung dalawa ng sabay kaya itinuloy ko na lang ang pagkain ko.   "Taga-saan ka ba Chardice? Buti pa ikaw ay may hacienda, masaya namang tumira doon hindi ba?” tanong ni Chase kaya sa kanya naman ako napatingin.   "Ako? I came from Baguio, masaya ba yun? Boring kaya," sagot ko na ikinatawa niya lang.   "Nasan na ang mga parents mo Chardice? Buti pinayagan ka nilang magaral dito,” tanong din ni Dice sa akin.   Alam ko din na iyon ang dahilan kaya parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Sa dami ng itatanong bakit naman yun pa? Sabagay, maiiwasan ko ba naman ang tanong na iyon?   “Kasali ba to sa requirements para maging myembro ng Elites A?” tanong ko agad sa kanya.   Agad silang natigilan, napakunot lang din naman ang noo ko dahil doon. Inaasahan ko narin naman na itatanong o aalamin nila ang mga bagay na iyon kaya napaghandaan ko narin iyon.   "They died ten years ago with my two brothers matapos nila akong ampunin," sagot ko sa kanila na parang casual lang sa akin pero nakita kong ikinagulat din nila iyon.   "Seryoso ba yan?" tanong nina Roberto at Arturo kaya agad ko lang din silang tiningnan ng masama na dahilan para mapaiwas sila ng tingin sa akin.   "Muka ba akong nagbibiro? Totoo, ampon lang nila ako and the details? I don't f*cking care at all." muli kong sagot sa kanila.   "You mean hindi mo alam kung papaano ka napunta sa kanila?" tanong naman ni Vanes.   "All I know is my real family abandoned me sa isang mansion na sumabog daw at doon nila ako nakita yun ang sabi nila, why they abandoned me? I don't know either matapos daw non wala namang nag-claim na anak nila ako kahit pa ginawa na ng mga umampon sa akin ang lahat para mahanap sila, so I live with them." I answered at lahat naman sila ay muling natahimik kaya napailing na lang ako.   "Alam ko ng malas ako, kaya maraming may ayaw sa akin, but you ask it and I just answered right? Problema niyo na kung maniniwala kayo o hindi at saka bilisan niyo ng kumain dyan dahil may mga clubs pa tayong pupuntahan,” sabi ko sa kanila saka ako muling kumain na sinunod naman agad sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD