(Keijin's POV)
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino ka talaga at kung anong pakay mo dito sa Elites Academy, Chardice. Hindi ako naniniwala na ganoon lang kasimple ang lahat, hindi ako naniniwala na ganoon lang ka-simple ang buhay mo, alam kong may itinatago ka pa. Alam ko na hindi ka ordinaryong tao.
Sinusundan lang namin silang tatlo na nauunang maglakad sa amin, matapos naming kumain at magyaya ni Chardice na pumunta sa mga Elites Clubs na meron kami. Maging ang interest niya na mapasama sa section namin ay kakaiba din, kahit sabihin niyang bored siya alam kong hindi lang ganoon iyon.
Yung dalawa naman ay mukang masaya na kasama siya samantalang siya ay casual lang, natural na siguro sa kanya ang pagiging cold at emotionless, yung expression ng muka niya ay hindi nagbabago kahit tumawa, magsalita o ngumiti man siya. Hindi man lang ba nakakahalata ang dalawang ito sa kanya?
"May mali sa mga kwento niya," Chase then whispered na alam kong kami lang din ang nakarinig dito sa hulihan.
"Kung anuman yun, alam kong dapat nating alamin yun lalo na kung may kinalaman yun sa anumang pakay niya dito sa Elites Academy." Axel said also at wala ng nagsalita matapos niyang sabihin iyon.
"So? Isa ka na nga talaga sa kanila.” agad kaming napalingon ng may magsalita na pamilyar sa amin ang tinig.
Napatigil din kaming lahat sa paglalakad maging ang mga nauuna sa amin. It was Gray, siya ang leader ng Magic 10 na matalik na kalaban naming mga Elites dito sa Elites Academy.
"Sa kanila?" tanong ni Chardice sa kanya saka niya kami itinuro.
Bakas din ang pagtataka sa kanya pero casual pa rin si Gray. Ang weird din ng isang ito, parang kilala niya din si Chardice. Sa halip na sumagot ay nilapitan lang siya ni Gray at hindi siya nagsalita habang pinanonood lang naman namin sila.
"Kilala mo ba talaga sila, Perez?" Gray ask her.
Tiningnan lang din naman siya ni Chardice habang magkaharap sila. Ngunit mayamaya lang din naman ay biglang tumawa si Gray at ngumiti sa kanya na ikinakunot lalo ng noo ko at napansin kong ganoon din si Chardice.
"Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit anong make-up ang gamitin mo," Gray said to her saka siya muling ngumiti at agad na umalis.
"Ano daw?” sabay-sabay na tanong nung tatlong nasa unahan namin sa isat-isa.
“Joke ba yun? Nagpapatawa ba siya? Ako? May make up?" mayamaya ay sabi muli ni Chardice sa dalawa na agad din naman nilang ikinatawa.
"Mabait ka Chardice, baka yun ang ibig niyang sabihin, di ba Arturo?" sagot ni Roberto sa kanya.
Agad din namang napa-cross arms ni Chardice habang nakatingin sa kanila.
“Kapag gumanda ako, who you kayo sa akin ha? Uma-attitude na kayo ngayon sa akin ah, gusto niyo na yata ng sakit ng katawan e!” nagbabantang hiyaw ni Chardice sa dalawa.
Natawa lang din naman sila sa kanya na ikinangisi ko din dahil sa inasal niya. Malapit ko na ding isipin na bipolar talaga siya, she can be dangerous and funny at the same time, nakakatakot ang mga uri niya.
"Chardice tara na?" mayamaya ay sabi Chase at mabilis niyang hinila si Chardice palayo sa amin.
Hindi na siya naka-angal pa sa ginawa ni Chase at nanlaki lang din ang mga mata ko sa gulat sa ginawa niya. Halos madapa din si Chardice sa paghabol sa kanya dahil sa mabilis niyang paglalakad. Ang walanghiyang iyon, pati ba naman si Chardice?
"Tara na, bilis!" yaya ko sa kanila at saka namin sila mabilis na sinundan.
(Shin's POV)
"Magkakasama po sila at mukang nagkakasundo naman," Roman reported to me and I just nod at him, saka ako bumuntunghininga.
We need to make sure that they are always together, kaylangan na nilang malaman ang totoo. I also knew she was planning to do something and I need to make sure that no one of them will get hurt.
They need to be alive until we solve this s**t. And for now, be one of them Chardice it is for the better, for all of us. You need to stay with them no matter what, don't be so hard on them. If you only knew the truth, I'm sure you will never be like that.
"Magpapatuloy lang tayo Roman, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo," muli kong sabi sa kanya kaya agad siyang yumukod sa akin.
"Yes, Lady Shin," sagot niya sa akin saka siya agad na umalis.
Kaylangan maayos ko to agad bago pa lumala ang sitwasyon.
(Chardice's POV)
Hell! Ang boring talaga ng mga klase na 'to, tsk. Kahit may mission ako dito ay parang gusto ko narin na tumigil na lang, hindi ko na gustong mag-aral, bored na ako sa ganitong set up at ito ang isa sa mga kinaiinisan ko sa ngayon sa mission na ito.
1000 items quiz ang gagawin namin ngayong araw and after that ay wala na kaming gagawin, take note 1000 items per subject, e ilan ang major at minors subject namin. Imagine how boring is that? Sa totoo lang ay inaantok na ako kanina pa kaya lang ay kaylangan kong tapusin ang quizes na iyon.
Kanina pa din naman akong tapos mag-exam kaya lumabas din agad ako sa room para mag-alis ng antok, pinabayaan ko narin sila doon at hindi na pinansin ang pagpapabalik sa akin ng teacher namin dahil kahit naman tumutol siya ay wala din naman siyang magagawa kapag gusto ko.
Nag-e-exam parin sina Rob at Art sa loob kaya kahit na kaylangan ko silang hintayin ay iniwan ko narin sila ang tagal kasi nila may meeting pa naman kami sa club mamaya. Nandito lang naman ako sa south forest ngayon habang nakasandal sa isang puno malamig kasi ang simoy ng hangin dito at nakaka-relax kaya dito ko napiling manatili.
Napakunot ang noo ko ng maya-maya ay mapansin ko ang dalawang lalaking may kahina-hinalang kilos na naririto din, nagmamasid sila sa buong paligid at kitang kita ko iyon at masama talaga ang kutob ko sa kanila. Pinagmasdan ko na lang ang mga kilos nila, hindi ako basta basta mapapansin dahil masyadong malaki ang punong ito para makita nila ako.
"Don't move," agad na sabi ng kung sino sa likod ko.
Agad din akong napatigil when someone said that to me at naramdaman ko din agad na tinutukan niya ako ng knife sa leeg ko. What the hell? I didn’t even saw that coming, ni hindi ko naramdaman na nakalapit siya sa akin.
Tiningnan ko lang siya na nakatingin lang din sa akin, napansin narin naman agad kami nung dalawang kasama niya so I hurriedly get the knife in the fastest way that I can. Agad kong tinuhod ang sikmura niya at ginamit ko agad iyong pagkakataon para makuha ang knife sa kanya and I slit his neck using the knife.
Sinugod din naman agad ako nung isa nilang kasama pero naunahan ko siyang tutukan ng kutsilyo sa leeg, habang nananatiling nakatingin sa amin yung isa pa.
"Who are you and why the hell are you here? Tell me if you don't wanna die!" agad kong tanong sa kanya saka ko siya tiningnan ng matatalim kong tingin.
“Hindi namin sasabihin ang dahilan kung bakit kami naririto kahit na anumang mangyari!” hiyaw sa akin ng lalaking nakaabang lang sa gagawin ko.
Naka-alerto lang din naman ang kasama niya.
“Then die now!” hiyaw ko din sa kanila.
Agad ko ding lalong diniinan ang knife sa leeg ng lalaking hawak ko at agad naman siyang napasigaw dahil doon.
"N-napag-utusan lang a-ako na patayin ang d-dean! Maawa ka!" sagot niya sa akin na halatang nauutal pa at kinakabahan.
The Dean? Anong atraso niya sa mga ito?
"Ilan kayong pumasok dito?" agad kong muling tanong sa kanya.
Wala na din namang nagawa ang kasamahan niya ng magsimula na siyang magsalita.
"A-anim, n-nauna na yung tatlo sa amin." I hurriedly slit his neck also matapos niya akong sagutin.
I then hurriedly throw the knife sa lalaking pasugod sa akin na tumama naman agad sa noo niya na agad niyang ikinabagsak.
Then I hurriedly run to the deans office para maabutan ang tatlo pang kasamahan nila. Sa bukas na binatana sa likod ng office niya ako pumasok na sigurado akong dinaanan din nung tatlo pa.
Pagdating ko naman doon ay nandon narin yung tatlo pa kaya naghagis agad ako ng tatlong shuriken na tumama sa mga ulo nila, sabay sabay din silang bumagsak saka ko lang napansin ang magulong office ni Haze.
"I can handle them, Chardice! Why are you here?" mayamaya ay tanong niya sa akin pero tiningnan ko lang din siya.
Hinihingal akong lumapit sa kanya at nagmasid sa paligid.
“I just accidentally saw them on the south,” sagot ko sa kanya.
Agad ko ding pinunasan ng tissue na iniabot niya sa akin ang kamay ko na may dugo ng mga nakasagupa ko kanina. Inayos niya din agad ang sarili niyang damit na nagulo dahil sa pakikipaglaban sa tatlo.
“Roman? Come here.” tawag niya sa secretary niya sa telepono, “What are you doing in the south?” agad naman niyang tanong sa akin ng ako naman ang balingan niya.
“Nagpapahinga,” tanging sagot ko sa kanya.
“Leave! Don’t get involved the next time.” muling sabi niya.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya matapos kong marinig na sabihin niya iyon.
"And protecting Steinckerts is my f*cking awesome job right? It just happens that I was there, I wanna know who they are and why are they after you, ” I said to her sarcastically.
I just sat down on the couch in front of her also na nakaupo din sa couch sa mini sala ng office niya.
“I said don’t get involve,” muli niyang sagot sa akin.
"Just tell me the truth. Who are they?” tanong ko muli sa kanya.
"It's nothing, go back to your class. They are just some mafia groups who are after us, this kind always happens. And don’t even mention your job here, that was not your job anymore." muli niyang sagot sa akin.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya dahil doon. Tama siya, this is not my job anymore. I should not care at all, dahil sa ginawa ko ay pwede akong mahuli ng iba. Pero hindi ko naisip ang mga yun kanina, I was just too occupied when they mention her. It feels like my calling blocks my thinking and it just makes me run to save her.
"Just tell me why they want to kill you and I will leave, just answer me?" hindi nagpatinag kong tanong sa kanya na ikinatingin lang din niya sa akin.
Matagal kaming nagtagisan ng tingin bago siya bumuntunghininga.
"I’m telling the truth and let's just say you know them too, they are part of some mafia group that's all I can say," sagot niya muli sa akin.
"Don't make me laugh Haze, I knew there was something wrong, and who are they?" I said and look at her dangerously.
"I'm telling the truth," she said sincerely to me, kitang kita ko iyon sa kanya.
What the hell? Who are they? Bakit iba ang nararamdaman ko ng sabihin niyang kilala ko sila.
"Direct me to the point Haze, who are they? Who in those groups that I know?" I then shouted at her.
Naiinis na ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. We both stop talking when her secretary came into her office already.
"Roman? Clean this and the other three on the south forest without leaving any trace, understand?” she commanded.
Roman just nod at her and call another two people to clean this s**t. Tss! Ang gulo kausap ng isang to. Kung hindi importanteng grupo ang nagpadala sa kanila bakit hindi niya pa sabihin sa akin kung sinong grupo iyon? At sinong pipitsuging grupo ang magtatangkang pasukin ang Elites Academy? No one will, because they knew who rule this place.
Entering Elites Academy is like entering a Lion's den. They knew they will never survive if they enter this place and if the likes of them enter this place, I knew they are not just someone to belittle. I knew they are strong because they have the guts.
"They are one of those reasons why you are like this." mayamaya ay sabi ni Haze.
Agad kong napatingin sa kaniya na may halong pagtataka. Akala ko ay hindi na siya magsasalita. Agad din akong natahimik sa sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala, parang ilang segundo ding may matinis na tunog akong narinig sa tenga ko bago ako nakapagisip ng tamang sasabihin.
"Reasons?" takang tanong ko sa kanya.
Hindi ba niya sasabihin ang dapat niyang sabihin kaya kaylangan niya pa akong lituhin ng ganito? Tama ba ang hinala ko o pinagtitripan niya lang ako?
"See it for yourself, Chardice! Investigate if you don’t believe me," she said.
She then sat down on her swivel chair again leaving me here na hindi maintindihan ang nangyayari. What the f*ck?
"Haze?" bulyaw ko sa kanya at saka ako tumayo, pero parang wala siyang naririnig, tss.
What the fvcking hell? Umalis na lang ako doon sa office niya kaysa naman lalo pa akong mainis. Hindi na siya magsasalita, alam ko iyon ay kaylangan ko siyang pagsalitain sa kahit ano mang paraan, kaylangan kong malaman ang totoo mula sa kanya.