Chapter 5

1990 Words
(Dice's POV)     "Kanina pa tulala si Chardice," mayamaya ay sabi ni Roberto Mahabagin the 3rd sa amin, kaya napatingin muli kami kay Chardice na kanina pa tulala. "Bumili na lang tayo ng pagkain para sa kanya, tara?" sagot naman ni Arturo Walangawa the 2nd sa kanya. Ang saya ng pangalan nila hindi ba? May gusto siguro ang mga ito kay Chardice. What the hell? Natatawa talaga ako palagi sa mga pangalan nila. Mabilis na umalis yung dalawa kaya nilapitan na lang namin ng gwapo kong kakambal na nagmana sa akin, si Chardice. Tulala parin siya at parang hindi niya napapansin na naupo kame sa katapat na upuan ng inuupuan niya. Ano ba talagang problema ng isang to? Ang weird niya talaga. "Hoy Chardice okay ka lang ba?" agad na tanong ni Rubix sa kanya. Hindi ba ang ganda ng tandem ng pangalan namin? malakas kasi ang trip ng parents namin. Parang pangalan lang nila, si mommy Dama at Daddy Chess, huwag na kayong magtaka kung bakit ganito ang pangalan namin dahil ayan na ang proof. "Oo, kumain na ako,” agad niya namang sagot sa amin kaya nagkatinginan kaming kambal sabay tawa, agad din namang nagunot ang noo niya dahil doon. "Chardice ang sabi ko kung okay ka lang? Hindi ka nga okay for sure,” muling sabi ni Rubix saka siya muling tumawa. "Ano ba kasing problema? Bakit parang ang seryoso mo naman dyan?" tanong ko din sa kanya ng mapansin ko na napakunot ang noo niya dahil sa pagtawa ng kakambal ko. "Wala, okay lang ako,” tanging sagot niya sa akin saka siya agad na nag walk-out. Napatigil sa pagtawa si Rubix kaya nagkatinginan agad kami. Ang mga babae nga naman bakit kaya ang hilig nilang mag-walk out, lumang sistema na yun eh.     (Vin's POV)     "Sigurado ba kayong isasali naten sa grupo naten yang pangit na yan? Pre imposibleng si Keixin yan. Isipin mo na lang na dyosa yon at siya, yang babaeng yan? halimaw siya," muli kong reklamo ko sa mga kasama ko dahil hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng yun. Hindi pa rin ako makapaniwalang hanggang ngayon hinahayaan nila na sumali sa amin ang babaeng yun. Alam kong may hindi maganda siyang gagawin laban sa amin. Tss. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero sigurado ako sa nararamdaman ko. At mas lalong hindi ako makapaniwala kapag sinasabi ni Keijin na parang siya si Keixin na kakambal niya, ang layo talaga, saka matagal ng patay ang isang yun. "Hindi ka ba makaintindi? May aalamin lang tayo tungkol sa kanya hindi ba? Yun ang usapan natin kaya sumunod ka na lang,” Axel answered saka niya ako tiningnan ng masama. "Hindi maganda ang kutob ko sa kanya,” tanging sagot ko sa kanya at ipinakikita ko sa kanila na seryoso ako, totoong hindi ako mapalagay dahil doon. "Paulit-ulit ka ano Vin? Alam na namin yan okay? Kaya nga tayo nagiimbestiga dahil lahat tayo hindi maganda ang kutob sa kanya,” Dice answered kaya lalo akong napakamot ng ulo. "Seryoso ako, ano ba? Pakiramdam ko habang tumatagal lalo siyang nagiging delikado." Giit ko sa kanila, tang*na. "Sumunod na lang muna tayo sa utos ni Shin at kapag nalaman na natin ang totoo, dun tayo magde-desisyon,” sagot ni Keijin sa akin. "Hindi na ako makakatagal sa muka niya, tao ba talaga siya? Tsk!" inis kong hiyaw sa kanila. "Tao ako, ikaw tao ka ba? kamusta naman kaya yang muka mong hinulma sa kapangitan na parang ugali mo? No wonder why kamuka mo yang makapal na kalyo ng paa mo, actually hindi ko nga ma-identify kung san banda ang muka mo e, kamuka kase ng paa mo! Tsk," sagot ni Chardice sa akin saka siya agad na umalis na ikinagulat ko at ng mga kasama ko. Puta? Ako? Panget ako? Napatingin ako sa mga kasama ko ng mayamaya ay magtawanan sila samantalang ako hindi makapaniwala sa sinabi niya, tang*na ako? Panget?           (Chardice's POV)     Nakakainis, buwisit talaga! Nakakagigil siya, pati yang Dean na yan pare-pareho silang nakakainis. Dapat ay hindi na lang ako nagpunta sa dorm nila. Susuntukin ko na sana ang punong katabi ko sa inis ko, pagtigil ko sa paglalakad ng biglang may pumigil sa kamay ko, ang kamay na yon. Nilingon ko agad siya at gaya ng inaasahan ko ay siya nga iyong nakita ko. "That tree can't fight you back, be fair,” Ouji said kaya binawi ko na lang agad ang kamay ko. Tumalikod na lang din agad ako sa kanya saka ako umupo at sumandal sa puno, naramdaman ko namang umupo din siya. "You seems so troubled the whole day,” mayamaya ay muli niyang sabi. Himala kinakausap ako ng isang tulad niya? Tss. "Your sister and that Vin fvcker, really pisses me off, tsk!" Tahimik lang siya ng sabihin ko iyon at hindi siya nag react nakaka-badtrip naman talaga sila eh. "Don't mind them, they are not your business." Mayamaya ay muli niyang sabi, madali lang sabihin yan para sa kanya, hindi naman kasi siya ang nilait na tagos sa buto, hindi siya ang pinaglilihiman. Agad akong napatingin sa tyan ko ng mayamaya ay biglang kumulo iyon ng malakas, saka ko lang naalala na gutom pala ako. Buwisit kase yung mga yun eh. "Lets eat! Come on?" he then said saka niya ako hinila patayo. Nawala na lang din ang hiya ko at hindi na ako nakapag-salita dahil wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad.           (Shin's POV)   "Sino ang mga yon Shin at ano ang alam ni Chardice tungkol doon?" Keijin ask me as I look at them. Nandito sila ngayon sa office ko dahil nalaman na nila ang nangyari sa akin kahapon. "The usual one, and Chardice? she didn't know anything about them. She just saw them in the woods yesterday dahil nandoon siya, sinundan niya lang ang mga yun kaya niya nalaman na dito sila nagpunta, nagtanong siya pero syempre hindi ko sinabi ang totoo,” casual kong sagot sa kanila. "Bakit ba kase hindi mo na lang hayaan na kame na lang ang lumutas ng problema mo?" Vin said but I just look at the door ng maramdaman ko na naman ang parehong presensya na kilala ko na. "Chardice Perez don't test my patience!" I yelled na agad na ikinagulat ng mga kasama ko at ikinalingon din nila sa pinto. She really knows how to make me piss and that's bullshit. She hurriedly opens the door and then throws me a bloody letter and an arrow. "Hindi sana ako papasok dahil nandito sila pero gusto ko lang na makita mo yan. Sapat narin bang dahilan yan para masabi mo sa akin kung sino sila?" I hurriedly get the letter na inihagis niya at agad ko iyong binasa. May nakasulat doong mga katagang ‘taste my curse little rat’ kaya napalingon ako sa kanya at kitang kita ko na galit na galit siya. What the f*ck? "Baket ba kase nangingialam ka pa dito? I already told you the truth ano pa bang gusto mong malaman?" hiyaw ko sa kanya na lalong ikinatalim ng mga tingin niya. "What the fvcking hell? Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, sira ulo ka ba? They attack me on the woods and now I get that! Anong gusto mong gawin ko?” hiyaw niya din sa akin pabalik. This girl she's not changing at all, she's still a b***h, what the hell? "Tumigil na kayo sa sigawan niyo,” agad na saway sa amin ni Vanes na ikinatigil ko din. “Sabihin mo na sa kanya ang totoo para maipagtanggol niya ang sarili niya, sigurado akong nakarating na sa kanila na may nakakita sa kanila at may iba ng nakakaalam ng ginagawa nila kaya maaaring habulin nila ang babaeng yan,” mayamaya ay sabi ni Ouji kaya napabuntunghininga na lang ako. Agad naman siyang naupo sa silya na kaharap ng table ko ng hilahin siya ni Ouji paupo doon. "Sinabi ko na sayo na grupo sila ng kung sino na gustong pasukin ang school. Matagal na silang problema ng school and as the Dean myself, I need to take charge para maresolba ang problema at mawala na sila dito, pero gaya ng nakita mo muka namang wala silang balak na tumigil at palala lang ng palala ang sitwasyon. Wala ding ibang nakakaalam maliban sa amin na may ganitong nangyayari dito at ikaw pa lang sa ibang mga estudyante ang nakakita noon," paliwanag ko sa kanya habang nakatingin lang din ang iba sa akin kagaya niya. "Hindi mo ba naisip na baka naman may koneksyon sila dito sa loob kaya hindi sila mawala at madali lang silang nakakapasok? Nung makita ko sila parang sanay na sanay na sila dito sa loob. At isa pa, hindi ko man lang naramdaman na may tao noong araw na yun sa woods, basta sumulpot na lang sila sa harapan ko at nagtutok sa akin ng arrow,” she then said saka niya ako tiningnan, “At isa pa this arrow, I didn’t get this in the woods, sa park ko ito nakuha, and that park was located in the middle of this school at maraming estudyante doon. Papaano silang makakarating sa ganoong kalayong location sa south woods kung nagiingat silang madiskubre ng iba? alam mo hindi sila mawawala hanggat may koneksyon sila dito sa loob, open your eyes Steinckert simulan mo munang maglinis ng sarili mong bakuran bago ang bakuran ng iba," muli niyang sabi. Napatingin lang ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Tama siya, may punto ang mga sinabi niya, kahit nakakainis siya ay hindi pa rin siya nagbabago. "Tama siya, Shin. Ang arrow na yan ang patunay na gusto na nilang malaman ng iba ang nangyayari," the twin then said to me also. "Baka naman ikaw talaga ang spy nila, ngayon lang naman sila naglakas ng loob na lumabas sa woods dahil sayo," mayamaya ay sabad din ni Vin sa amin. "Hoy ikaw na malaking kalyo ka, kadarating ko lang sa school na ito at ikaw matagal ka na dito, baka naman ikaw talaga ang spy nila. Tutal naman bago pa ako dumating ay nandyan na sila!” hiyaw ni Chardice kay Vin. Pareho ding masama ang tingin nila sa isat isa. Walang pagbabago, mula noon hanggang ngayon. "Gunggong!" hiyaw din ni Vin sa kanya. Agad din siyang tumayo at akmang susugudin na niya si Chardice but I glared at him kaya natigilan siya at hindi na ulit nakapagsalita. "And since sayo na nanggaling ang idea, mas maganda kung tutulong ka na lang sa amin Chardice, and no buts, okay? tutal gusto mo din namang alamin kung sino sila tumulong ka na lang, consider this also as a mission para makapasok sa section ng Elites A," I said. Magrereklamo na sana silang lahat sa akin ng sabihin ko iyon pero bigla din silang natigilan dahil sa pagtingin ko sa kanila. Kagaya pa rin talaga sila ng dati, walang pagbabago. Kaya lang ay mas mabuti na ang ganito, mas mapaglalapit-lapit ko pa sila. "Now go out," muli kong sabi sa kanila. Kanya-kanya naman silang layas habang nagbabangayan matapos kong sabihin iyon, mayamaya naman ay pumasok narin si Roman. "Anong plano niyo ngayon Lady Shin?" tanong niya kaya napabuntunghininga lang din ako. "Kagaya pa rin ng dati Roman,” tanging sagot ko sa kanya at tinapos ko na ang mga ginagawa ko at hindi na nagsalita. But this time may twist na ang dati ko ng ginagawa, lalaruin ko na lang din ang laro nila para masaya. At sa ngayon ay kaylangan ko munang ayusin ang lahat, humanda ka Chardice, marami ka pang kakaharapin tatagan mo ang loob mo. Anumang dahilan mo ng pagpunta dito ay hindi na mahalaga sa ngayon, kaylangan ko lang na baguhin ang desisyon mo at alisin ang galit sa puso mo, kaylangan ko lang na baguhin ang isip mo at kaylangan ko lang na tulungan ka na malaman ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD