(Chardice’s POV) Kain lang siya ng kain habang nanonood lang ako sa kanya. Hindi ba siya kumakain? Hindi ko naman sinabing bantayan niya ako, hindi ko rin sinabi na magpaka-puyat siya at magpaka-gutom. "Kumain ka pa para gumaling ka na kaagad," mayamaya ay sabi niya sa akin marahil ng mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya. Himala rin na wala dito ang iba at siya lang ang naririto. "Ayoko na, busog na ako," angal ko sa kanya at bababa na sana ako kaya lang ay pinigil niya ako. Inabutan niya rin ako kaagad ng tubig saka niya nilinis ang pinagkainan ko saka niya ako pinainom ng gamot. Matapos ‘yon ay saka niya inayos ang higaan ko at saka niya ako inalalayan na humiga ulit, habang nakabantay lang siya sa akin at nakangiti habang hawak ang kamay ko. Natawa lang din naman a

