(Xin's POV) Kanina lang ay ipinagdadamot niya ako kay Sabrina, ngayon naman kung makipagtitigan siya sa Gray na ‘yon akala mo siya ang boyfriend. Hindi pa nga niya naipapaliwanag sa akin kung sino ang Ulysses na iyon. Ako ang fiance niya dito, sa akin dapat siya ganyan, Tsk. Habang nagku-kwentuhan sila ay napatigil din sila ng lumapit si Sam kay Chardice na tamang tama lang naman dahil hindi ko na gusto ang closeness nilang dalawa. Yumakap din siya sa likod ni Chardice na dahilan para mapalingon din si Chardice sa kanya. "Cha? Manonood ka ba ng race? Racing kasi ang afternoon lesson namin mayamaya," Sam said to her in a very low tone of voice. Pero kahit na mahina ang boses niya ay naririnig ko naman sila dahil nasa harapan nila kami. Ang hinhin talaga niya at para lang siyang bu

