(Chardice's POV) Hinugot ko agad ang baril ko kasabay ng paglabas ng mga assassins ng Lee mafia kasama ang bawat kasapi ng mafia niya, humanda rin agad sila sa pagbaril pero ang bawat magtatangkang lumapit sa akin ay bumabagsak lang ng walang buhay dahil inuunahan ko na silang paputukan. Agad din akong tumingin sa Elites evacuation room kung saan sila naroroon, hindi ito kalayuan sa akin at dahil doon ay naririnig kong tinatawag nila ako at nakikita kong nakatayo rin sila malapit sa glass wall marahil ay para makita ako. Hindi pa man nagtatagal ang sagupaan namin ng mga tauhan ni Lee ay bigla na lang dumilim ang paligid, nagdatingan na ang Steinckerts Mafias and Assassins. Nandito na rin ang mga ama ng Elites eight at kasama nila sina kuya Acen, Kei at Lei, maliban na lang sa mga

