(Chardice’s POV) Mayamaya lang din naman ay hinila na muli ako ni Ouji at umalis na kami doon saka kami dumiretso sa clinic. Wala naman akong pakialam sa sugat na ‘to, ang ikinagagalit ko ay ang nangyari sa sasakyan ko, short tempered talaga ako kapag ‘yong mga importanteng bagay na sa akin ang nasa usapan. “Hindi ba talaga pwedeng gumamit ng ibang sasakyan kapag battle dito? Kaylangan ba talagang ‘yong sasakyan ko lang dapat?” agad kong tanong sa mga kasama ko na dahilan para mapakunot agad ang mga noo nila. “Who says? Kaming Elites ay may mga sasakyan talaga kami dito na ginagamit para sa race pero may mga sasakyan din dito na ipinagagamit sa mga estudyante kapag may race training or battle,” sagot sa akin ni Keijin na dahilan para mapabuntunghininga ako. “I was sabotage, an

