(Dane's POV) Ang kakapal naman pala talaga ng muka ng mga Lee na yan, at talagang si Chardice pa talaga ang kinalaban nila ha. Tsk, goodluck na lang din talaga sa kanila. Kilala ko si Chardice, once she has a tight grip to someone hinding hindi niya na ito pakakawalan at alam kong hindi na makakawala ang dalawang Lee na iyon sa kanya. Iwinaglit ko na lang muna sa isipan ko ang mga bagay na iyon saka ko muling inayos ang mesa para sa agahan. Maaga akong nagising para makapagluto agad ako ng agahan namin dahil alam ko na tanghali na magigising ang mga kasama ko, at hindi nga ako nagkamali doon, tanghali na ay tulog pa rin sila and as the eldest ako na ang nagluto at gigisingin ko pa sila. Teka, nakalimutan ko nga palang magpakilala sa inyo I'm Dane Alexa Kagami , 22 years of age, a

