(Chardice's POV) Buti pa itong pamangkin ni Ouji hindi suplada. Hindi kagaya noong mokong na pikon, napaka-suplado. Sabagay may iba pa ba akong aasahan sa kanya e noon pa man ay ganon naman na talaga siya. "Before anything else Ate, take a bath first po muna ang dumi mo na kaya," mayamaya ay sabi ni Aila sa akin kaya napatingin ako sa sarili ko. Oo nga ang dumi ko na kanina ko pa kasi itong suot. "Chardice feel at home okay? Here use my bathroom, I have clothes there pumili ka na lang may kakasya naman siguro sayo dyan ang dumi mo kasi saka bakit ka ba puro sugat?" Ate Dolly then said saka niya ipinakita sa akin yung black powder na kumapit sa kamay niya. "Ah, kasi Ate may activity kami sa school at ako yung napagtripang ayusan nung walo kaya ayan ganito ang kinalabasan tapos

