(Shin’s POV) Hindi pa nagtatagal na nakakaalis si Sabrina ay biglang tumunog naman ang cellphone ko, dahilan para mapatigil na naman ako sa pagta-trabaho and when I opened it I saw Dane’s text. ‘Sasali kami sa Elites organizations, watch us okay?’ Magre-reply na sana ako sa text niya kaya lang ay sinundan iyon ng text ni Chardice. ‘Dane really likes you, pareho kayong annoying. Hiningi niya pa talaga ang number mo sa akin.’ Natawa na lang ako sa text niya at hindi na nag-reply sa kanila saka ako nag-ayos para puntahan na lang sila. Matapos kong mag-ayos ay lumakad na rin ako papunta sa Elites organization para manood sa kanila. Handang-handa na sila para sa screening, kitang kita iyon sa bawat Elites Organization na madadaanan ko. Lahat din ng madaraanan kong mga estudyante ay yumuyukod

