Chapter 14
I was running. Hindi ko alam kong saan ako papunta pero gusto kong marating ang liwanag palabas sa lugar na 'to. Napapikit ako saka ko dahan-dahang minulat ang mata saka napatitig sa dalawang taong nasa harapan ko.
There was a girl and a guy standing in front of each other. Pamilyar sa 'kin ang lalaki at ang babae ngunit anong ginagawa nang dalawang 'to sa isang mataas na bangin? Nakatitig ako sa kanila.
The girl asked, "What do you see?" and smiled. Alam kong kilala ko ang lalaking nasa harap niya pero hindi ko siya maaninag.
The guy smiled and said, "The rest of my life." Nang tiningnan ko ang kaharap nang binata ay kong naaninag ang mukha ni Allysana habang nakangiting nakatitig sa binata. When I blinked I saw my self standing in front of her, in front of Allysana Perez-Collins.
-
Napabalikwas ako sa 'king higaan. Habol hininga ang ginawa ko dahil sa mga alaalang bumabalik sa 'kin.
"Allysana," sambit ko sa pangalan niya. Bakit ko ba siya napapanaginipan? Bakit lagi ko nalang siyang hinahanap? Darn, Bullet! What's happening to you?!
Siguro epekto lang ito sa mga sinabi ni mom at dad sakin. I'm 29 years old and still single. Hanggang ngayon wala parin akong nakikitang babaeng pakakasalan. Well, nakita ko na siya pero gusto kong makasiguro kung totoo ba tong nararamdaman ko para sa kanya.
Bumangon ako at lumabas sa kwarto ko. I was wearing a boxer short with a messy hair. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong naka higa sa sofa at halatang lasing pa. Tiningnan ko ang orasan at its 2 o' clock in the morning.
Dumeretso ako sa kusina at binuksan ang ref saka ako uminum nang malamig na tubig. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako. Mula nung huling pagkikita namin ni Allysana, tatlong taon ang nakakaraan, ay hindi na ako tinigilan nang alaala naming dalawa. Gabi-gabi ko siyang naiisip at halos araw-araw ko siyang napapanaginipan.
Inaamin kong may pagsisi akong nararamdaman sa mga nangyari sa 'min noon. Gusto kong balikan ang nakaraan kung saan nakakulong ako sa mansion ng mga Collins. Mula rin noon wala na akong naririnig tungkol sa pamilya nila. Hindi narin ako nakialam pa sa kanila pero inaamin kong hanggang ngayon hinahanap ko parin si Allysana.
"Tol, ang aga mo namang nagising." lumapit sa kin si Zeke para kumuha rin nang tubig, "Binangungot ka na naman ba?" tumatawang tanong nito.
"It's just a dream." tipid kong sagot, "Same faces,"
"You mean si Allysana na naman?" tumango ako.
Zeke and Dos knew about what happened to us. Nung una halos hindi sila makapaniwala. Sinabi pa nilang ang swerte ko dahil isang Collins ang baliw na baliw sa 'kin. On the otherhand, hindi sila natuwa sa ginawang pagkulong sa akin ni Allysana at sana ay kinasuhan ko sila. Of course hindi ko ginawa. Mahal lang ako ni Allysana kaya niya nagawa 'yun.
Nakakatawa lang isipin na kung dati hindi ako naniniwala sa salitang 'yun, kabaliktaran na man ito ngayon. Inaamin kong nakuha ni Allysana ang atensyon ko at alam kong hindi lang atensyon ko ang nakuha niya.
"Can't blame me, dude." tumawa si Zeke.
"Maybe she blow you up, f**kin' big time." ngumiti ako bilang sagot sa kanya at nagbukas nang isang bote nang beer. Ilang sandali pa ay pumasok na rin sa kusina si Dos.
"What's the matter, mga early bat?" inaantok na tanong nito at uminum ng tubig.
"We are just chatting," umupo siya sa kabilang upuan bago humarap muli sa 'min.
"It's all about Allysana na naman ba?" tanong niya at tiningnan ako. One thingy about Dos and Zeke, alam nila kong sinong babae ang tumatakbo sa utak ko. Mula nang makita nila ako ay wala na akong ibang inisip na babae kundi si Allysana. Yes, I f**k pero alam ko sa sarili ko kong sino ang babaeng gustong makasama ko.
"Bilib rin ako sa babaeng 'yun dahil nagawa niya ang bagay na 'yun. Now, look at you," tiningnan ko si Zeke na tawa nang tawa habang nagsasalita, "You're in love, dude." umiling ako.
Am I? I'm not sure about that. Hindi ko pa na coconfirm kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko para kay Allysana. Sa tuwing kailangan ko siya ay bigla nalang siyang nawawala. Ito ang pangalawang pagkakataong iniwan niya ako sa ere. Magpapakita siya kung kailan niya gusto at mawawala siya bigla kung gusto niya.
"I'm not," tanggi ko, "It's all pleasure. I can't get over her because of that. Purely pleasure. That's all." nagtinginan silang dalawa.
"You're denial. Alam namin ang pakiramdam na ma in love, dude. We've been there. Ikaw nalang ang nag-iisang billionaire bachelor sa lugar na 'to." tuloy ni Dos, "Kung ako sayo, puntahan mo na siya sa mansion nila -"
"Wala siya dun," sagot ko at uminum ng beer.
"Matagal mo na siyang hinahanap at hanggang ngayon hindi mo pa siya nakikita?" umiwas ako nang tingin. "Umamin ka na, she already claimed the playboy. Itanggi mo man, alam natin na talo ka na niya."
"Psh. Kahit umamin ako, hindi rin naman niya maririnig. So, what's the point?" tumayo ako.
"Malaki rin ang utang na loob mo sa kanya Bullet Brent," sabi ni Zeke kaya tiningnan ko siya, "Hinanap niya ang magulang mo para sayo. She did everything for you. Itanggi mo man, alam naming tinamaan ka rin sa ginawa niya." hindi ako nakapagsalita.
"Sino ba namang mag aakala na ang isang Bullet Brent ay ang nag iisang tagapagmana ng Elid Laboratory Incorporation?" ngumisi si Dos. "Dati ikaw ang naghahabol sa mga babae para maging girlfriend mo lang sila tapos ngayon sila na mismo ang lumalapit sayo."
"They just love my money." sagot ko at nagpaalam na sa kanila saka bumalik sa kwarto ko para humiga.
Napaisip naman ako. Gaya nga ng sabi ni Dos, babae na ang lumalapit sa 'kin. Well, it's because of my money. Katulad lang din nila ako noon. Lumalapit sa mga mapepera at may kaya sa buhay. At ngayon, katulad na rin ako sa mga naging girl friend ko noon. Talagang bilog ang mundo.
-
Kinabukasan ay pumasok na naman ako sa kompanya gaya ng lagi kong ginagawa. My life was dull and boring since the day she left. Parang naging black and white ang takbo nang buhay ko.
"Mr. Elid," bati ng aking sekretarya. Pumasok siya sa loob ng opisina para ihatid ang aking kape. "Ito na po 'yung package. Hinatid kanina." agad ko namang binuksan ang laman ng envelope.
'Allysana,' sambit ko sa pangalan niya. Its her picture. Nasa America pa rin pala siya. Tumayo ako at napatitig sa kawalan. Paano ko ba siya pababalikin sa lugar na 'to? Yes, I found her. Gusto kong panindigan niya ang pag angkin niya sa 'kin tatlong taon ang nakararaan.