CHAPTER 13

1916 Words
Chapter 13 Five days had passed and I never seen Allysana's shadow anymore. Mula nang gabing umuwi siya at sinabi ang mga bagay na 'yun tungkol sa magulang ko ay hindi na siya muli pang nagpakita. Iniwan niya ako sa kwarto niya. Akala ko kinabulasan ay babalik siya pero kahit anino niya wala parin. "Mang Edgar, nasaan si Allysana? Pakisabing gusto ko siyang makausap," nang minsang binuksan ko ang pinto at tinanong 'yun kay mang Edgar. "Hindi po makakauwi si Miss Collins, young master." tumango naman ako at hinintay na dumating si Allysana. Ngunit umabot nalang nang ilang araw ay hindi parin siya nagpapakita. Kinulit ko si Mang Edgar pero sinabi niyang hindi uuwi si Allysana. Lagi nalang ako nasa veranda hinihintay na dumating siya. Minsan nga naisip kong tumalon mula sa veranda pababa para hanapin siya. Natulala ako. 'Ano bang nangyayari sayo Bullet?' napabuntong hininga ako. Bumalik ako sa kama at humiga roon habang nakatulala sa kisame. It's nine in the evening. Hindi na naman siya umuwi. Apat na araw nalang hindi nagpapakita si Allysana. Nakarinig ako nang kalabog mula sa labas at mga kaluskos. Napabalikwas ako sa 'king higaan ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga body guards. "Teka, anong ginagawa niyo?" pinaligiran nila ako saka ko nakita si Mang Edgar, "Anong ibig sabihin nito mang Edgar?" "Napag-utusan lang po kami young master," saka may tumali sa kamay ko sa likod. "Teka, nasaan si Allysana? Mang Edgar, anong ginagawa niyo? Saan niyo ko dadalhin? Si Allysana ba nag utos sa inyo?" deretso kong tanong pero agad nila akong hinila palabas. Palabas na kami sa villa nang maaninag ko kung sino ang nasa labas. 'Ang mag asawang Collins,' nakatayo sa labas ang mom at dad ni Allysana habang hinihintay na lumabas kami. "Santiago," bati nang kanyang ama, "Totoo ngang nandito ka." "Nasaan po si Allysana sir?" tumawa siya. "Kinulong ka na nga nang anak ko sa lugar na 'to, siya parin ang hinahanap mo." hindi ako sumagot. May nakahawak sa likod ko habang nakatali naman ang kamay ko. Tiningnan ko ang paligid. Maraming security na nakapalibot sa 'min. "We will set you free. Mangako kang hindi mo sasambitin ang pangalan namin sa medya o sa mga pulis." paniguro nang kanyang ina, "Kung hindi mo inakit ang anak namin ay hindi ka darating sa sitwasyon na 'to." "Hon, tama na." pigil ni Mr. Collins. "Ihahatid ka nang mga security namin kung saan mo gusto magpahatid pero pagkatapos nito kalimutan mo na ang lahat nang mga nangyari." "Gusto ko po sanang makausap si Allysana -" "Hindi mo na siya makakausap pa dahil pinadala na namin siya sa America." nagulat ako sa sinabi niya. "America? Pero bakit? Hindi niya man lang sinabi sa 'kin na pupunta siya nang America." hindi siya pwedeng umalis. Hindi sa ayokong makalaya sa lugar na 'to pero kung kapalit nito ang pag alis niya ay mananatili nalang ako sa lugar na 'to. "Hindi mabuting nandito siya. Hindi ka niya kayang pakawalan kaya kami na ang gumawa nang paraan." napabuntong hininga si Mr. Collins, "Sana mapatawad mo ang anak ko." - "Mang Edgar, saan mo ko dadalhin?" nasa kotse na kami at hindi ko alam kung saan kami papunta. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang itsura sa labas. Halos hindi ko na matandaan ang dinaanan namin. May inabot na envelope na may lamang papeles si Mang Edgar. Tinanggal naman ng isang body guard ang tali sa kamay ko. "Ano 'to?" tanong ko saka binuksan ang nasa loob nito. "Hindi po alam nang mag asawang Collins ang tungkol sa bagay na 'yan young master." binasa ko ang nasa loob nito at halos hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. "Matagal nang pinapahanap ni Miss Collins ang mga magulang niyo sa secretarya niya. Sa pitong buwan na namalagi kayo sa mansyon ay gumawa nang paraan si Miss Collins na sa oras na makalabas ka siniguro niyang may mapupuntahan ka." tiningnan ko siya. "Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko. "Alam na ng mga Elids na buhay po kayo at hinihintay na nila ang pagbabalik mo, young master." hindi ako makapaniwala. "Hinanda na po lahat ni Miss Collins lahat bago siya umalis. Hinihintay ka na nang mga magulang mo, young master." "At ano naman 'to?" tanong ko nang may nakita akong USB sa loob nang envelope. "Ebidensya. In case na mag file kayo nang kaso kay Miss Collins." mahinang sagot ni Mang Edgar, "Hindi niya alam ang mangyayari kapag nakalaya ka na sa puder niya kaya siniguro niya ang bagay na 'yan." sinulyapan ako ni Mang Edgar, "Pero tinakas siya nang mag asawang Collins, young master. Sana maintindihan niyo." hindi na ako sumagot. "Young master, nandito na po tayo." tumingin ako sa labas at halos mapanganga ako sa laki nang isang condominum. "Teka, bakit dito mo 'ko dinala?" nagtatakang tanong ko. "Room 385. Hinihintay na po kayo nang mommy at daddy niyo." - Nagising ako dahil sa mga alaalang bumalik sa 'kin noon. Napahilot ako sa sintido saka tumingin sa paligid. Tatlong taon na ang nakakaraan mula nang makita ko ang tunay kong mga magulang at mula nung huli kong nakita si Allysana. Allysana. Hindi ko na muling nakita si Allysana. Isa sa mga prominteng negosyante at doctor ang mom at dad ko. Kinidnap ako nang auntie ko dahil sa inggit niya kay mom. Kaya mula nung namatay si auntie ay hindi ko na nakilala ang mga magulang ko. Ang akala ko noon ay iniwan nila ako pero nagkamali ako. "Gising ka na pala, babe." nagising ang babae sa 'king tabi. Ano nga ulit ang pangalan niya? Erica? Rica? Eka? Basta may ka sa hulihan 'yung pangalan niya. Ngumiti ako sa kanya, "Did you enjoy last night?" hinalikan ko siya pababa sa leeg niya. "Another round?" she giggled. "Sure, babe." I position myself. "I want hard," and both of my hands are in her hair, grasping each side of her head. Her kiss is demanding, her tongue and lips coaxing mine. She moan, and my tongue tentatively meets her. She puts his arms around me and hauls me against her body, squeezing me tightly. This woman is really a slut. "That was hot," tumayo ako at pumasok sa CR. Naligo saka ko tiningnan ang sarili sa salamin. 'Bakit ikaw ang laging nakikita ko sa tuwing nakikipagtalik ako?' Tatlong taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon hindi parin mabura sa alaala ko ang larawan ni Allysana. Hanggang ngayon hinahabol parin ako nang aming nakaraan. Kinuha ko ang towel saka ko binalot ito saking bewang. "Babes, sino ba si Allysana?" tiningnan ko ang babaeng kakabangon lang sa kama habang nagtataka ang kanyang mukha. Paano niya nakilala si Allysana? "Binanggit mo kasi ang pangalan niya habang natutulog ka. Sino ba siya?!" inis niyang tanong. Napabuntong hininga naman ako saka nagbihis. Pumasok naman siya sa CR para maligo at magbihis. "You may go," sabi ko nang lumabas siya mula sa CR. "Ha? Ano 'yun?" hinarap ko siya. "Umuwi ka na, Erica. Tapos na tayo rito -" isang malutong na sampal ang lumanding sa mukha ko. Napangisi naman ako. Anong bago? Pagkatapos ko silang angkin saka naman sila aaktong biktima. Ginusto naman nila ang bagay na ginawa namin pero kung umakto sila akala mo naman may pilitang nangyari. "Totoo nga ang sabi nila," inayos niya ang mga gamit niya saka niya ulit ako hinarap. "Isa kang walang hiyang playboy. Binihisan ka lang nang konti, yumabang ka na." tiningnan ko siya pero dinuro duro niya ako. "Kung hindi lang ikaw ang tagapagmana nang Elid Laboratory Incorporation ay talagang hindi kita pupulutin. Sino bang nais makasama ng isang bad record playboy na tulad mo?!" ngumisi ako. Tumalikod naman siya saka binuksan ang pinto palabas, "It's not Erica. It's Annica!" saka niya sinirado ang pinto. Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi na bago sa 'kin ang bagay na 'to. Hindi ko rin ugaling magpaliwamag sa kanila. As if everything turn into their places now. "Zeke, kasama mo ba si Dos? Let's go to the club later." sabi ko habang kausap si Zeke sa cellphone. "Sure, dude. Same as usual," tumatawang sagot nito saka ko binaba ang cellphone. I grab my tie at the cabinet and fix my self. Nang marating ko ang opisina ay agad akong sinalubong ng sekretarya ko. My secretary was married and she's early 40's. Ayoko sa mga dalaga o walang asawang sekretarya, nadidistract ako. "Good morning, Mr. Elid. Nilagay ko na po sa table niyo ang mga papers na pepermahan niyo." bungad niya sa 'kin. "Thank you, Carla." tipid na sagot ko sa kanya. "Please bring me a coffee." "By the way sir, nasa loob po si Dra. Elid at si Mr. Elid." napahinto ako. Nandito pala si mom at dad? Anong ginagawa nila rito? Pumasok ako sa loob at agad naman akong sinalubong nang aking ina. "Son," tawag niya at nakipagbeso-beso. "How are you my son? Kung hindi ka namin pupuntahan rito nang ama mo ay hindi ka namin makikita. Sobrang busy mo yata at nakalimutan mo nang dalawin ang 'yung mga magulang." ngumiti ako sa kanila. "Naging busy lang ako sa mga bagong imports na mga laboratory equipments mom. Dadalawin ko sana kayo bukas pero naunahan niyo ko." palusot ko. Ngumiti naman si mom. One thing about having a billionaire parents is we don't see each other like normal family does. Masyado ring malaki ang mansyon at nagkikita lang kami pag dinner. The thingy is, I have my condo kung saan ako nag-e-stay kaya mas lalong hindi kami nagkikita. My mom is really clingy. Hindi niya kasi inaasahang magkikita kaming muli dahil sa ginawa ni tita noon. "Binibisita ka parin ba ni Santiago rito?" tanong nang aking ama at umupo sa sofa, "Nung nagkasakit ang tita mo ay iniwan niya at sumama sa ibang babae. Tapos ngayong alam niya ang istado mo sa buhay ay bigla kang kukunin. Hindi porket Santiago ang apilyedo mo noon ay magiging ari-arian ka na rin niya." seryosong sabi nang aking ama. "I don't give time to that trash, dad." umupo ako sa harapan nang aking ama at umupo naman ang aking ina saking tabi. "Kung dati ay natiis siya ni tita, pwes, hindi ako. Hindi ko makakalimutan ang panggugulping ginawa niya samin ni tita." naalala ko pa dati kung gaano kami naghirap ni tita para lang sa lalaking 'yun. "Mabuti naman," inabot niya ang kanyang kape bago nagsalitang muli, "Narinig kong may kasama ka na namang ibang babae sa condo mo kagabi." biglang sabi ni dad. "Kailan mo ba kami bibigyan ng apo anak?" masayang tanong nang aking ina pero napailing lang ako. Wala pa sa plano ko ang bagay na 'yan. "Siguradohin mo lang hindi ka peperahan ng mga babae mo anak," seryosong sabi ni dad kaya napatitig ako sa kanya, "Narinig kong marami kang babae-" "Manang mana ka sa ama mo." singit ni mom. "Honey," pigil ni dad kay mom. Napangiti ako sa kanila. Ibang iba anv tunay na mga magulang ko sa mga magulang na nakagisnan ko. They are sweet at nakikita kong they really love each other. "Choose wisely, Bullet." dugtong ni dad. "Okay lang na marami kang babae ngayon pero sa oras na magdesisyon ka nang magpakasal, siguradohin mong iisang babae nalang ang uuwian at mamahalin mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD