EPILOGUE BULLET’S POINT OF VIEW (THE FINALE) “Kamusta ang buhay may asawa?” natawa ako sa salubong sa ‘kin ni Dos at ni Zeke. Andito sila sa kompanya ko at binisita ako. Kahit naman bumuo na sila ng sarili nilang kompanya at umalis na sa ‘kin ay binibisita at kinukumusta pa rin nila ako. Umupo ako sa mahabang sofa kung saan nakaupo rin ang mga kaibigan ko. Kakauwi lang namin ni Allysana mula sa aming honeymoon at halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa mga nakaraang buwan. Inaamin kong may pagkakataong meron kaming hindi pagkakaintindihan at nauuwi lang rin kami sa kulitan at lambingan. “We are f*ckin’ in love with each other,” wala sa sariling sagot ko at narinig ko pa ang mga tuksohan nang dalawa. Marami rin kaming napag-usapan tungkol sa nangyari noong na

